Si Ador bilang witness
August 28, 2001 | 12:00am
Ang Pinoy talaga, mahilig mang-alaska. Si Sen. Loren Legarda, miski nanggagalaiti na kay Ador Mawanay nang paratangan siyang bumili ng 1,000 smuggled cellphones, nakuha pang magpatutsada. Pinaalala niya habang nakatitig sa baba ni Ador na si fairy tale character na Pinocchio ay humahaba ang ilong tuwing nagbubulaan. Tapos kumalat na ang text messages na pinabubulaanan daw nina Peping Cojuangco at Sec. Emy Boncodin na
hindi na bale, ang sagwa, e.
Hati ang publiko kung paniniwalaan o hindi si Ador. Sabi ng ilan, diretso at walang-kurap kung magsalita. Ayon naman sa iba, aminadong pusakal kaya hindi dapat patulan si Ador. Sabat tuloy ng isang beteranong abogado, Isa lang sa dalawa, marami siyang alam tungkol sa mga raket ni Sen. Ping Lacson o kaya likas siyang bulaan.
Kayang kilatisin si Ador. Pag-aralan lang sana ng mga senador ang ugali ng isang stool pigeon kriminal na ikinakanta ang kakosa. Gayon din ang mga Russian KGB spies na sunud-sunod sumuko sa American CIA nung 1960s.
Ang mga yan, may mga tunay na istorya puwedeng patunayan ng dokumento, kayang beripikahin ng ibang witness. (Tulad ng ibinunyag ni Ador na Citibank-San Francisco account number 0102-7720-0045-5000 ni Lacson bagay ng pinatotohanan ng FBI).
Pero may fairy tales din sila. Unang uri: istoryang di-mabeberipika pero nakatanim bilang totoo sa isip ng stool pigeon. (Tulad ng akala ni Ador na sangkot si Fidel Ramos sa pag-kidnap kay Bubby Dacer, dahil narinig niyang sinabi yon ni Lacson sidekick Michael Ray Aquino. Pinaandaran lang pala siya!) Ikalawang uri: istoryang palabok o inimbento para hindi maalis ang stool pigeon sa witness protection na may libreng pabahay at pakain. (Ganyan malamang ang istorya ni Ador kay Loren).
Kaya dapat mag-concentrate ang mga senador sa mga tunay na istorya ni Ador yung mga kayang patunayan at beripikahin.
O, heto na naman ang text na hindi bomba ang pinasabog ni Vic Corpus nang magdala ng surprise witness. Bombay pala. Alaskado.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am