Sina Wong at Uy ang sisira kay Atienza
August 27, 2001 | 12:00am
Hindi pa nga nahihilom ang sugat na dala ng kontrobersiyal niyang kaibigan na si Kim Wong, heto na naman at may humahatak pababa sa pangalan ni Manila Mayor Lito Atienza. At habang usap-usapan itong kaso ni Wong na ayon sa military intelligence chief na si Col. Victor Corpus ay isang drug lord na kaibigan ni Sen. Ping Lacson, lalo pang bumabaho ang pangalan ni Mayor Atienza dahil sa isang bata niyang si Totoy Uy alyas Totoy Bato.
Kung babalewalain ni Atienza itong problemang dala nina Wong at Uy, maaaring masira ang pangalan niya sa masa at sa gayon maapektuhan ang kandidatura niya para sa pangatlong termino sa darating na 2004 elections. Para sa kaalaman ng lahat, itong sina Wong at Uy ay minana lamang ni Atienza sa kanyang political benefactor na si dating Manila Mayor Alfredo Lim. Ang dalawa ay mga henchmen ng yumaong kaibigan ni Lim na si Sy Pio Lato.
Noong kapanahunan ni Lim si Wong ay nasa t-shirt business lang samantalang si Uy ay luminya sa basura at ang gamit nga ay ang Leonel Haulers. Pero kung paniniwalaan si Corpus, si Wong ay luminya sa droga at ang kakutsaba nga ay si Ping. At hindi rin pahuhuli si Uy dahil lahat na halos ay pinakialaman niya sa City Hall at pati na rin ang pulisya. Kung nasawata kaagad ni Corpus si Wong sino naman kaya ang lulutang para mapigil si Uy na ang taguri sa ngayon ay Little Mayor na ng Maynila? Si Lim kaya?
Sinabi ng aking espiya na hindi lamang paghakot ng basura ang pinasok ni Uy kundi lahat ng supply o kagamitan sa City Hall mula sa paper clip hanggang sa pinakamahal na kagamitan ng siyudad. Pati pagtambak ng lubak sa mga sira na kalye ay hawak ni Uy, ayon sa aking espiya. Ganyan siya kalakas kay Atienza. Ang pinakamasama pa, pati pulisya ay inuutusan ni Uy kung ang interest niya ang nakataya.
Ang ginagamit ni Uy ay ang isang Insp. Cabagnot, na bulsa niya ang inuuna at hindi ang kapakanan ng bayan. Ayon sa aking espiya, dapat ding alamin ni Atienza kung paano nagkaroon ng mamahaling kotse itong si Cabagnot eh maliit lang naman ang suweldo ng pulis. Dapat madala na si Atienza sa problemang dulot ni Wong. Papayagan ba niya na ang isang Uy lamang ang sisira ng lahat ng ipinundar niya sa Maynila? Dapat nang posasan ni Atienza itong si Uy ng sa gayon ay mapigilan na ang paglaki ng ulo.
VK watch! May pitong video karera operators pala sa siyudad ni Las Piñas Mayor Nene Aguilar. Isa dito ay si alyas Esmer na nagpapatakbo na rin ng pekeng jai-alai, lotteng at PBA ending. Sinabi ng sumulat sa akin na ang mga video karera ni Esmer ay nakalatag sa Tramo-Evacom (2), malapit sa may Bambo Organ (2), Pulang Lupa (2) at sa Manggahan. Nakasandal si Esmer sa kapatid ni Mayor Aguilar na si Sonny, Inaalam pa ng espiya ko ang anim pang video karera operators ng Las Piñas para iparating kay Mayor Aguilar at mautusan niya ang pulisya na kumpiskahin ang mga ito. Baka hindi mo kaya ang kapatid mong si Sonny, Mayor Aguilar?
Kung babalewalain ni Atienza itong problemang dala nina Wong at Uy, maaaring masira ang pangalan niya sa masa at sa gayon maapektuhan ang kandidatura niya para sa pangatlong termino sa darating na 2004 elections. Para sa kaalaman ng lahat, itong sina Wong at Uy ay minana lamang ni Atienza sa kanyang political benefactor na si dating Manila Mayor Alfredo Lim. Ang dalawa ay mga henchmen ng yumaong kaibigan ni Lim na si Sy Pio Lato.
Noong kapanahunan ni Lim si Wong ay nasa t-shirt business lang samantalang si Uy ay luminya sa basura at ang gamit nga ay ang Leonel Haulers. Pero kung paniniwalaan si Corpus, si Wong ay luminya sa droga at ang kakutsaba nga ay si Ping. At hindi rin pahuhuli si Uy dahil lahat na halos ay pinakialaman niya sa City Hall at pati na rin ang pulisya. Kung nasawata kaagad ni Corpus si Wong sino naman kaya ang lulutang para mapigil si Uy na ang taguri sa ngayon ay Little Mayor na ng Maynila? Si Lim kaya?
Sinabi ng aking espiya na hindi lamang paghakot ng basura ang pinasok ni Uy kundi lahat ng supply o kagamitan sa City Hall mula sa paper clip hanggang sa pinakamahal na kagamitan ng siyudad. Pati pagtambak ng lubak sa mga sira na kalye ay hawak ni Uy, ayon sa aking espiya. Ganyan siya kalakas kay Atienza. Ang pinakamasama pa, pati pulisya ay inuutusan ni Uy kung ang interest niya ang nakataya.
Ang ginagamit ni Uy ay ang isang Insp. Cabagnot, na bulsa niya ang inuuna at hindi ang kapakanan ng bayan. Ayon sa aking espiya, dapat ding alamin ni Atienza kung paano nagkaroon ng mamahaling kotse itong si Cabagnot eh maliit lang naman ang suweldo ng pulis. Dapat madala na si Atienza sa problemang dulot ni Wong. Papayagan ba niya na ang isang Uy lamang ang sisira ng lahat ng ipinundar niya sa Maynila? Dapat nang posasan ni Atienza itong si Uy ng sa gayon ay mapigilan na ang paglaki ng ulo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest