Makasaysayan ang pakikipagsapalaran ni Francisco Dagohoy, ang cabeza de barangay ng Bohol na nagsagawa ng pinakamatagal na rebelyon laban sa mga Kastila. Nagsimula ito noong 1744 at nagwakas noong 1828.
Si Marcelo del Pilar ang nagtatag ng Diyaryong Tagalog noong 1882. Siya ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang publisher ng La Solidaridad. Gumamit siya ng sagisag na Plaridel. Siya ay nagtapos ng abogasya sa UST.
Si Jose Panganiban ay nag-aral sa Madrid, Spain at sumulat sa La Solidaridad. Siya ay tubong Mambolao, Camarines Norte. Nakilala siya bilang defender of Filipino honor. Namatay siya sa gulang na 27 sa sakit na pulmonya.
Si Deodato Arellano ang kauna-unahang pangulo ng Supreme Council ng Katipunan. Sa kanyang bahay itinatag ang Katipunan.
Tinaguriang Grand Old Woman of the Revolution si Melchora Aquino na lalong kilala bilang Tandang Sora. Walumput apat na taon siya ng sumapi sa Katipunan. Namatay siya sa gulang na 107.
Si Teodora Alonzo, ina ni Rizal ay ipinanganak sa Maynila noong 1827 at naging mahigpit na kritiko sa mga pang-aabuso ng mga Kastila kaya makalawang ulit siyang ibinilanggo. Siya ang inspirasyon ng Noli at Fili. Binawian siya ng buhay noong Agosto 16, 1911.