^

PSN Opinyon

Paglingon sa mga bayani

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ginugunita ngayon ang National Heroes Day. Bukod kina Rizal, Bonifacio at Mabini, marami pang bayaning nabuwal para ipagtanggol ang Inang Bayan. Lingunin natin ang kabayanihan ng ipinamalas ng iba pang bayaning Pilipino.

Makasaysayan ang pakikipagsapalaran ni Francisco Dagohoy, ang cabeza de barangay ng Bohol na nagsagawa ng pinakamatagal na rebelyon laban sa mga Kastila. Nagsimula ito noong 1744 at nagwakas noong 1828.

Si Marcelo del Pilar ang nagtatag ng Diyaryong Tagalog noong 1882. Siya ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang publisher ng La Solidaridad. Gumamit siya ng sagisag na Plaridel. Siya ay nagtapos ng abogasya sa UST.

Si Jose Panganiban ay nag-aral sa Madrid, Spain at sumulat sa La Solidaridad. Siya ay tubong Mambolao, Camarines Norte. Nakilala siya bilang ‘‘defender of Filipino honor.’’ Namatay siya sa gulang na 27 sa sakit na pulmonya.

Si Deodato Arellano ang kauna-unahang pangulo ng Supreme Council ng Katipunan. Sa kanyang bahay itinatag ang Katipunan.

Tinaguriang ‘‘Grand Old Woman of the Revolution’’ si Melchora Aquino na lalong kilala bilang Tandang Sora. Walumpu’t apat na taon siya ng sumapi sa Katipunan. Namatay siya sa gulang na 107.

Si Teodora Alonzo, ina ni Rizal ay ipinanganak sa Maynila noong 1827 at naging mahigpit na kritiko sa mga pang-aabuso ng mga Kastila kaya makalawang ulit siyang ibinilanggo. Siya ang inspirasyon ng ‘‘Noli’’ at ‘‘Fili’’. Binawian siya ng buhay noong Agosto 16, 1911.

CAMARINES NORTE

DIYARYONG TAGALOG

FRANCISCO DAGOHOY

GRACIANO LOPEZ JAENA

GRAND OLD WOMAN OF THE REVOLUTION

INANG BAYAN

KASTILA

KATIPUNAN

LA SOLIDARIDAD

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with