Isang malaking kawalan sa daigdig ng musika at sining ang pagkamatay ni Hayashi. Dumating si Hayashi sa Pilipinas noong 1980. Nag-aral siya ng piano sa isang konserbatoryo ng musika sa Japan at natutong tumugtog ng harp. Datiy mga classical music ang kanyang tinutugtog pero sa kalaunan tumugtog na rin siya ng pop at jazz music. Nagsimulang maging professional artist si Hayashi noong siyay 16 anyos.
Nauna siyang nagtanghal sa Ramada Hotel at sinundan ng isang sellout concert sa Araneta Coliseum na kasama ang piyanistang Pilipino na si Boy Katindig. Ang mahihilig sa jazz ay humanga sa kanyang bersiyon ng Wave ni Jobim. Hinangaan din siyang tumugtog ng classical, Broadway at Original Pilipino Music (OPM). Karaniwan niyang tinutugtog ang Dahil Sa Iyo at iba pang walang kamatayang kundiman. Kabilang sa mga hit albums niya ang The Best of Tadao Hayashi, Standing Room Only at ang Tadaos Christmas Wish.