^

PSN Opinyon

Nakawan sa postal lumalala?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Maraming bumubulong sa mga kuwago ng ORA MISMO hinggil sa tumitinding nakawan ng sulat sa Philippine Postal Service.

Nade-delay daw ang mga ipinadadalang sulat sa mga taong tumatangkilik ng koreo?

Dumami ang buwitre sa postal at walang ginawa kundi abangan ang mga sulat na galing Japan, Hong Kong, Saudi, US at iba pang bansa na may OFWs. Nagsisingit kasi sila ng pitsa sa sulat para sa kanilang mga mahal sa buhay at binuburiki naman ng mga tirador sa koreo.

Anong aksyon ang ginagawa ng mga opisyal dito? Palagay ko, wala kasi, lumalala ang nakawan?

May ilang tao na gustong gawing pribado ang koreo na tinututulan ng mga empleado rito. Ano ang ginagawa ng unyon sa koreo mukhang pro-management na raw?

Sa postal matindi ang sindikato porke dito raw pinadadaan ang mga illegal drugs tulad ng shabu, cocaine, marijuana, heroin mga taxable goods tulad ng VCD, relos, piyesa ng sasakyan at gun parts.

May mga opisyal ng postal na nahulihan ng mga sulat sa kanilang lamesa pero nabalewala ang kaso?

Ang mga magnanakaw ng singko sentimos ay nakukulong samantalang ang mga magnanakaw ng million of pesos ay parang mga buteteng laot sa kanilang opisina na nagtatawa lamang.

‘‘Ano ba ang ginagawa ni Rodriguez at mga alipores nito sa postal?’’ tanong ng kuwagong naghuhukay ng kanyang sariling libingan.

‘‘Subsob daw sa kanilang trabaho para maiayos ang koreo,’’ asar na sagot ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Dapat sagipin ang postal sa pagkakalubog nito?’’

‘‘Wala raw pera?’’

‘‘Saan kaya napunta ang pondo nito?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘May nagbulsa kaya?’’

‘‘Dapat imbestigahan ang anomalya rito.’’

‘‘May ibubulgar si Chief Kuwago tungkol sa mga katarantaduhan sa postal.

‘‘Abangan ang susunod na kabanata.’’

ABANGAN

ANO

ANONG

CHIEF KUWAGO

DAPAT

HONG KONG

KOTONG COP

PHILIPPINE POSTAL SERVICE

POSTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with