"Kung minsan ako, kung minsan ay siya, Doktor."
Eh, sa bahay nyo?
Siyempre si Maring. Lalo na kung ang pagpapasyahan ay tungkol sa mga bata, pagkain, damit at iba pa.
"Ikaw Mang Senting, ano ang pinagpapasyahan mo?
Ah, sa bukid siyempre ako ang nagpapasya. Kung kailan mag-aararo, anong uri ng palay ang itatanim, klase ng pataba at gamot laban sa kulisap. Lahat iyan ay pinagpapasyahan ko.
Sino naman ang naghahawak ng pera? tanong ko pa.
Si Maring, Doktor.
Nang nakausap ko ang may-ari ng fertilizer sa bayan kinabukasan ay si Mang Senting ang aming napag-usapan. Sabi ng may-ari: Si Mang Senting ang nakaaalam ng lahat sa kanyang bukid. Sa akin siya lumalapit kapag kailangan niya ng fertilizer at iba pa.
E, di ayos na ang usapan nyo?
Umiling ang may-ari. May kumplikasyon. Si Aling Maring kasi ang may hawak ng pera. Pag hindi siya naglabas ng pera ay walang mangyayari. Halimbawa bibili ng pataba o insecticide sa kulisap, si Aling Maring pa rin ang magpapasya.
Ibig mong sabihin kahit nakumbinse mo si Mang Senting, e hindi pa rin sapat para magpalabas ng pera si Aling Maring?
Opo, Doktor, sa bawat hari na nagsasabing siya ay may kapangyarihan ay may reyna sa likod at siyang may hawak ng pera.