^

PSN Opinyon

Ang may hawak ng pera

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
‘‘Sino sa inyong dalawa ni Maring ang nagpapasya?’’ tanong ko kay Mang Senting nang bisitahin ko sa nayon.

"Kung minsan ako, kung minsan ay siya, Doktor."

‘‘Eh, sa bahay n’yo?’’

‘‘Siyempre si Maring. Lalo na kung ang pagpapasyahan ay tungkol sa mga bata, pagkain, damit at iba pa.’’

"Ikaw Mang Senting, ano ang pinagpapasyahan mo?’’

‘‘Ah, sa bukid siyempre ako ang nagpapasya. Kung kailan mag-aararo, anong uri ng palay ang itatanim, klase ng pataba at gamot laban sa kulisap. Lahat iyan ay pinagpapasyahan ko.’’

‘‘Sino naman ang naghahawak ng pera?’’ tanong ko pa.

‘‘Si Maring, Doktor.’’

Nang nakausap ko ang may-ari ng fertilizer sa bayan kinabukasan ay si Mang Senting ang aming napag-usapan. Sabi ng may-ari: ‘‘Si Mang Senting ang nakaaalam ng lahat sa kanyang bukid. Sa akin siya lumalapit kapag kailangan niya ng fertilizer at iba pa.’’

‘‘E, di ayos na ang usapan n’yo?’’

Umiling ang may-ari. ‘‘May kumplikasyon. Si Aling Maring kasi ang may hawak ng pera. Pag hindi siya naglabas ng pera ay walang mangyayari. Halimbawa bibili ng pataba o insecticide sa kulisap, si Aling Maring pa rin ang magpapasya.’’

‘‘Ibig mong sabihin kahit nakumbinse mo si Mang Senting, e hindi pa rin sapat para magpalabas ng pera si Aling Maring?’’

‘‘Opo, Doktor, sa bawat hari na nagsasabing siya ay may kapangyarihan ay may reyna sa likod at siyang may hawak ng pera.’’

vuukle comment

ALING MARING

DOKTOR

HALIMBAWA

IBIG

IKAW MANG SENTING

MANG SENTING

SI ALING MARING

SI MANG SENTING

SI MARING

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with