^

PSN Opinyon

Bumuhos ang malakas na ulan

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Habang hinihintay namin ang pagdaan ng prusisyon ay tumutulong ako sa paghahanda ng ginataang pinipig. Abala ang lahat sa nayon. May nagbabayo ng malagkit at may nagkukudkod ng niyog. Napakabango ng pinipig nang matapos mabayo. Iniabot sa akin ang kakang gata.

‘‘Ihalo niyo ang pinipig at gata, Doktor, pero maghintay kayo ng sumandali para masipsip ng pinipig ang gata para maging malinamnam,’’ payo ni Mang Senting.

Ilang sandali pa at kumain kami ng pinipig. Napakasarap.

Mayamaya ay narinig namin ang paparating na prusisyon. Malakas ang kantahan. Kasama sa prusisyon ang larawan ng mga patron. Ang prusisyong iyon ay ginawa para umulan at nang mabuhay ang mga tanim na palay. Natutuyo na kasi ang bukirin.

Pagdaan ng prusisyon sa bahay ni Mang Senting ay huminto sila para kumain ng pinipig at gata. Nakiinom din ng malamig na tubig.

Pagkaraan ng dalawang araw habang ako ay nasa bayan nabalitaan kong umulan sa nayon nina Mang Senting. Dininig ang kanilang panalangin sa prusisyon. Maaari nang mabuhay ang mga palay. Mabait talaga ang Diyos.

Pagkaraan pa ng dalawang linggo ay umulan pa nang pagkalakas-lakas. Sapat iyon para tuluyang mabuhay ang mga palay.

Nagpasalamat ang mga taga-nayon sa pangyayaring iyon. Buung-buo ang kanilang pananampalataya sa Diyos kaya sila dininig.

ABALA

BUUNG

DININIG

DIYOS

DOKTOR

HABANG

IHALO

ILANG

MANG SENTING

PAGKARAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with