^

PSN Opinyon

Ang salot na droga

SAPOL - Jarius Bondoc -
Halatang gusto lang siyang sirain ng mga senador nu’ng Biyernes. Pero naisingit pa rin ni Col. Corpus ang pakay niya: Ilantad ang salot na droga at ang paglaganap ng sindikato sa mataas na puwesto.

Malala na talaga ang problema sa droga. Apektado na ang lahat ng barangay at lahat ng pamilya, mayaman man o dukha. May 1.8 milyong addict sa shabu – isa sa bawat 43 Pilipino. Sa isang family reunion ng 50 magkapatid, magpinsan, kasama ang mga anak, tiyak may isang addict. Hindi pa kabilang ang 3.5 milyong minsanan lang suminghot ng shabu.

Kahit saan puwedeng bumili ng shabu. Sa iskinita sa squatter area o sa burger joint, sa iskuwelahan o sa kampo ng pulis, tiyak may ‘‘tulak’’. Ginagawang sideline ng mga hikahos, kasi malaki’t madaling kita. Kung dati’y nag-aambagan ang apat na magkabarkada para bumili ng isang long neck, ngayon ay shabu na lang. Mas mura kasi, garantisado pa ang tama nang apat hanggang anim na oras. ‘‘Wow, pare, ang bigat!’’

Tinuturing nang banta sa national security ang droga. Kasi mahigit kalahati ng heinous crimes, dala ng shabu. Patayan, gahasaan, kidnapan – dala ng pagkabangag o paghahanap ng pambili ng pampa-high. ‘‘Wow, pare, maron ba tayo diyan!’’

Hindi lang iyon. Lumaki na masyado ang mga sindikato ng shabu. Kumikita na ng bilyun-bilyong piso kada buwan. May pansuhol di lang sa karaniwang pulis kundi pati sa heneral. Pati huwes at piskal, kayang ayusin para walang kaso. Kaya nga mas maraming rapist sa death row, apat sa bawat isang pusher. Pati senador at kongresista at Cabinet member, kayang kaibiganin sa pamamagitan ng bagol-bagol na pera.

Di maglalaon, babala ni Corpus, matutulad ang Pinas sa Colombia. Doon, pinabayaan ng gobyerno’t publiko na lumaganap ang cocaine. Lumakas ang drug cartel sa Medellin region. Pati kapatid ng Presidente, naging protektor. Natauhan lang sila matapos pumatay ang cartel ng mahigit 300 matitinong pulis, huwes at peryodista. Saka lang pinakilos ang militar laban sa mga heneral-pulis na kakutsaba ng cartel.

Gusto ba nating magka-ganoon din tayo?

APEKTADO

BIYERNES

GINAGAWANG

HALATANG

ILANTAD

KAHIT

KASI

KAYA

LANG

PATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with