^

PSN Opinyon

Mga dapat malaman sa tuberculosis

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ngayon ay kapanganakan ni dating President Manuel L. Quezon. Nabanggit ko si Quezon sapagkat ang tatalakayin ko ngayon ay may kaugnayan sa sakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Namatay si Quezon noong August 1, 1944 sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis o TB. Matagal nang panahon ang nakalipas subalit hanggang ngayon, marami pa ring mga Pilipino ang dinadapuan ng tuberculosis.

Ang tuberculosis ay grupo ng infections na tinatawag na bacillus Mycobacterium tuberculosis. Ang pulmonary tuberculosis sa baga ang pinaka-karaniwan. Ang infection sa baga ay nagiging dahilan ng formation ng primary tubercle na kumakalat sa lymph nodes na humahantong sa pagkakaroon ng primary complex. Ang bacteria sa dakong huli ay maaaring pumasok sa lymph at blood system at kakalat sa buong katawan. Mag-iiwan ito nang maraming tubercles sa iba pang mga tissues (military tuberculosis). Ang tubercles ay mga nodular masses na gradwal na nagbabago at saka sama-samang magpu-fuse na nagiging dahilan para mapinsala ang mga nakapaligid na malulusog na tissue.

Ang infection ay maaaring makuha sa pamamagitan ng paglanghap sa hanging may kasamang bacteria na galing sa infected person o sa pagkain ng karne o pag-inom ng kontaminadong gatas, na galing naman sa mga maysakit na cattle.

Maaaring maapektuhan ng tuberculosis ang lahat ng organ o tissue at magiging dahilan ito ng malubhang kumplikasyon. Ang isa sa pinakadelikado ay ang tuberculosis meningitis na umaapekto sa mga kabataan at pati sa mga matatanda. Nagkakaroon ito ng kumplikasyon sa kidneys, peritoneum, pericardium (the smooth membrane sorrounding the heart), lymph nodes, bones and joints at fallopian tubes. Mas madaling tamaan ng sakit ang mga pasyenteng may AIDS, iyong mga nakatira sa mahihirap at overcrowded na lugar, iyong mga may Diabetes mellitus at mga alcoholics.

Ang mga symptoms ng tuberculosis ay ang pagkakaroon ng lagnat at sobrang pamamawis lalo na sa gabi, pagkawala ng panlasa, pagbaba ng timbang at madaling mapagod. Ang matinding pag-ubo na ang dura ay may kasamang dugo, pananakit ng dibdib, naghihirap sa paghinga at ang ihi ay nagiging discolored, maaaring cloudy o kaya’y pula.

Ang mga taong may sintomas ng tuberculosis ay nararapat magpakunsulta agad sa doktor upang maagapan. Ginagamot ang tuberculosis sa pamamagitan ng pagbibigay ng antituberculosis drugs gaya ng ethambutol, rifampicin, isoiazid (INH) at streptomycin. Kinakailangang magpahinga at uminom nang maraming fluids. Bawasan ang contact sa ibang tao para hindi makahawa. Ang paggamot ay kailangang ipagpatuloy sa loob ng ilang buwan at gawing madalas ang pagpapa-checkup para masigurong inactive na ang tuberculosis.

Ang mga bata ay binibigyan ng BCG vaccination para maprotektahan sa tuberculosis at isinasailalim din sa X-ray.
* * *
Binabati ko ang Japanese businessman na si Hajime Aida na nag-celebrate ng kanyang birthday kamakailan kapiling ang kanyang asawang si Lourdes at anak na babaing si Akemi. Welcome home and happy birthday din kay Alma Ruziel de los Reyes na kagagaling sa California, USA.

vuukle comment

AKEMI

ALMA RUZIEL

BAWASAN

HAJIME AIDA

NEW YORK

PRESIDENT MANUEL L

QUEZON

SARANAC LAKE

TUBERCULOSIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with