Dagdag pang expose sa SSS
August 17, 2001 | 12:00am
Kulang pa pala ang ulat ko tungkol kay SSS executive vice president Horacio Templo at 58 pang VP. Hindi lang pala tig-P100,000 hanggang P300,000 ang buwanang sinusuweldo natin sa kanila. Yun palang 58 VP, hanggang 14th month pay kada taon ang kinakabig. Pero si Templo, na sumusuweldo ng buwanang P314,416, ay natatangi. Hanggang 16th-month pay ang kinakabig. Ibig sabihin, apat na beses sa isang taon kung kumubra ng bonus.
May sagot na sa wakas si Templo sa exposé ko. Siyempre, hindi niya maikaila ang ibinunyag kong suweldo. Nakuha ko kasi sa SSS accounting records. Ang sabi na lang niya, batay daw ang suweldo niya sa dalawang taong pag-aaral ng Anderson Consulting para ipatupad nang 1997-2000.
Pero hindi yun ang isyu. Ang isyu ay kung kaya ng SSS magbayad ng pagkalaki-laking suweldo, di lamang kay Templo kundi sa 58 pang VP, gayong nalulugi ito. Abay magkano ba ang pension na binabayad nila buwan-buwan sa mga retiradong SSS members? Di bat malaki ang P2,500? Magkano ba ang salary loan; di bat malaki na ang P10,000? At magkano naman ang hinayaan ni Templo at ng mga bata ni Erap sa SSS board na waldasin sa mga crony companies tulad ng Belle Resources at Equitable-PCIBank? Di bat nalugi nang P8 bilyon ang SSS dahil dito, habang kumabig-naman ng P800-milyong kickback si Erap? Abay inamin yan ni dating SSS President Carlos Arellano.
At matanong nga natin si Templo: Pagpalagay nang dapat na ipatupad ang isang pag-aaral lamang ng Andersen Consulting, kasama ba sa recommendations na kumubra rin siya ng P150,000 per diem sa bawat board meeting ng mga kompanya kung saan may shares ang SSS? Kasi kung tama iyon, bakit yung pinasibak niyang president Vitaliano Nañagas ay isinosoli sa SSS ang tinatanggap na per diem? Ayon kay Nañagas, sapat na ang P100,000 buwanang suweldo ng presidente at yung per diem ay pera ng SSS members. natin!
Sabi na nga ba, sobra na, palitan na. Pabigat sila sa SSS members.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended