^

PSN Opinyon

Kaso nina Lacson at Aquino sa FBI

SAPOL - Jarius Bondoc -
Si Mary Ong alias Rosebud, isang dating operative ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force, ang unang nagbunyag. Ginamit daw siyang taga-deposit ng pera ni Sen. Panfilo Lacson sa Amerika nu’ng 1996. Kaya nga raw 15 beses siyang lumipad doon nu’ng taong iyon. Tapos nag-split sila ng syota niyang PAOCTF officer, kaya kumalas na siya sa raket.

Hindi naglaon, ayon kay Rosebud, si Lacson na mismo at ’yung bata niyang si Sr. Supt. Michael Ray Aquino ang nagde-deposit ng pera. ’Yun nga lang, sumabit nu’ng 1999. Nahuli raw si Aquino ng Canadian border police sa Nova Scotia na may dalang $1-milyong cash. Makalipas ang ilang buwan, si Lacson mismo raw ang nahuli sa Buffalo, New York, na may bitbit ng di-idineklarang $7-milyong cash.

Duda nu’ng una si ISAFP Chief Col. Victor Corpus sa kuwento. Pero nakatanggap siya ng papeles mula sa isa pang PAOCTF agent. Ayon sa papeles, may kaso raw sina Aquino at Lacson sa FBI. Criminal Case Nos. 99-71223-71 at 99-72078-34. Parehong 1999 batay sa code. Binanggit pa ang 1948 na taon ng kapanganakan ni Lacson. Nagtanong agad si Corpus sa FBI contacts. Kinumpirma nila ang mga kaso. Nang ipinadala niya sa US ang isang team ng ISAFP, NBI at PNP agents, pinasilip sa kanila ang laman ng kaso. Aba’y may detalye pa ng mga sasakyan nina Aquino at Lacson nang mahuli. Kasama raw ni Lacson ang magkapatid na business partners niyang sina Robert at Eric Co.

Matagal nang pinabubulaanan ni Lacson ang mga kaso. Ni minsan daw hindi siya nasangkot sa dollar smuggling sa US. Si Aquino naman daw ay cleared na. Hindi raw $1 milyon kundi $30,000 lang ang dalang cash, at pinaliwanag daw na pambili iyon ng police surveillance gadgets.

Pero ang isda ay nahuhuli sa bunganga. Si Lacson na mismo ang umamin na may $30,000 na pera ng PAOCTF si Aquino. Pero bakit cash ito kung mamili ng gamit. Labag ito sa procurement rules ng gobyerno. Dapat ay may bidding o canvass ng pinakamababang presyo. Tapos, may certificate of delivery. Saka pa lang babayaran ang supplier.

AQUINO

CHIEF COL

CRIMINAL CASE NOS

ERIC CO

LACSON

MICHAEL RAY AQUINO

NEW YORK

NOVA SCOTIA

PANFILO LACSON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with