Ang talinghaga ng mababang paaralan
August 14, 2001 | 12:00am
Parang piyesta ang pagbubukas ng mababang paaralan ng nayon. Kasiy mayroon nang grade six. Sampung taong naghintay ang mga taga-nayon bago natupad ang kanilang matagal na pangarap na magkaroon ng grade six at hindi na dadayo pa sa bayan para makapagtapos.
Habang masaya ang mga taga-nayon, kakaiba naman ang nangyayari sa isang bahay. Ang ina ay tuwang-tuwa dahil unang araw sa pasukan at doon papasok ang kaisa-isang anak na lalaki. Pero ayaw pumasok ng kanyang anak sa school kaya kinukumbinsi niya.
"Ibinili kita ng bagong sapatos at damit," sabi ng inang nakangiti. Ikaw ang pinakamagara ang suot at magiging sikat ka sa lahat ng mga mag-aaral.
Ayaw kong pumasok sa school, sagot ng anak na may halong pagkayamot.
Hindi mapakali ang ina at kitang-kita ang pagkabahala. Pero anak, kailangan ka sa school. Magugustuhan mo ang bagong gusali ninyo. Tumulong pa nga ang tatay mo sa paggawa ng school. May dalawa pang bagong guro na pawang dalaga at napakaganda. Ang mga bata ay magagalang.
Basta ayaw kong pumasok sa school Inay! sabi ng anak.
Pero anak, lahat ay naghihintay sa iyong pagdating, mahinahong samo ng ina, "Ipinaghanda kita ng mainit na salabat at pandesal na may palamang hamon.
Nangatwiran pa ang anak. "Bigyan ninyo ako ng isang mahalagang dahilan kung bakit kailangan kong pumasok sa school.
Sapagkat ikaw ang principal doon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended