^

PSN Opinyon

Pagiging handa

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Marami ang biglaang namamatay. Namamatay sa aksidente sa sasakyan, sunog o aksidenteng pagputok ng baril na nililinis.

Sa isang talinghaga sa Ebanghelyo ngayon, binabalaan tayo ni Jesus na laging ihanda ang ating sarili. Isinalaysay ni Lukas ang nasabing talinghaga (Lk. 12:35-40).

"Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating. Tandaan ninyo ito: Kung alam lamang ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma’y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.’’


Paano ninyo gustong madatnan ng Diyos kapag tinawag na niya kayo? Sa palagay ko’y nanaisin ninyong sabihin sa kanya na natapos n’yo na ang misyon o gawain na iniatang niya sa inyo. Binigyan niya kayo ng pamilya. Masasabi n’yo sa kanya na naalagaan at nahubog ninyo ang inyong mga anak upang maging mga responsableng Kristiyano.

Masasabi n’yo rin sa kanya: Ginawa mo akong doktor. Nakapagpagaling ako nang maraming maysakit. Natulungan ko sila kahit na wala silang ibayad sa akin. O, ako’y isang peryodista. Nakapag-ulat ako ng mga balita at naisulat ko ang mga katotohanan.

Nais din natin na matagpuan tayo ng Diyos na may kapayapaan sa ating pakikipagkapwa. Nais nating maging masaya sa ating pakikipagtagpo sa ating Amang nasa langit. Ito’y nangangahulugan na kilala natin ang ating Diyos; madalas natin siyang katalastasan sa ating panalangin. Sa ganitong paraan, ang pagtawag sa atin ng Diyos ay ang pagbabalik sa ating tunay na tahanan upang makapiling magpakailanman ang siya mismong pinagmumulan ng walang-hanggang tuwa at kasiyahan.

Huwag masyadong maging abala na makakalimutan na ninyo na may takdang panahong itinakda ang Diyos para sa inyo upang harapin siya.

ANAK

ATING

BINIGYAN

DIYOS

EBANGHELYO

GINAWA

HUWAG

ISINALAYSAY

MASASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with