^

PSN Opinyon

Labanan ang stress

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Sinasabing malaking sagabal sa kalusugan at madaling magpatanda ang stress. Isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakita ang nasalubong ko kamakailan at hindi ako makapaniwala na siya ang aking kaibigan. Nangayayat siya at tumanda. Nalaman ko ang kanyang mga karanasan sa kanyang asawa at mga anak na para bang pasan niya ang mundo sa bigat ng problema.

Binayaan ko siyang magkuwento at nabatid ko na sobra ang kanyang stress. Umiyak pa siya. Nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanya. Nang matapos siyang magkuwento ay ako naman ang nagsalita at binigyan siya ng lakas ng loob at tiwala sa sarili.

Ibinahagi ko sa kanya ang aking nabasa tungkol sa pagbaka sa stress batay sa study ng mga doktor sa Sydney, Australia. Ayon sa aking nabasa, kailangang huwag masyadong mamroblema. Dapat na magkaroon ng maliwanag na pananaw. Dapat na tawanan ang problema. Kailangan ng kalusugan ang pagngiti, pagtawa at halakhak. Sa pamamagitan nito ay nababawasan ang tensiyon at napapahinga ang utak sa labis na pag-iisip at nabibigyan ng positibong enerhiya.

Sa kabila nito ay nagbabala ako sa aking kaibigan na siguraduhin lamang niya na sa kanyang pagngiti at pagtawa ay hindi siya nag-iisa dahil baka kung may ibang makakita sa kanya ay iisiping siya’y napapraning o naloloka. Sabi ko pa sa kanya, when you cry, you cry alone but when you smile, the whole world smile with you.

Totoo ang kasabihan na "laughter is the best medicine."

AYON

BINAYAAN

DAPAT

IBINAHAGI

ISANG

KAILANGAN

NAKARAMDAM

NALAMAN

NANG

NANGAYAYAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with