Nang lumaki ang babuyan ng MMR at umabot na ito ng 11,000 na baboy, umaapaw na ang lawa ng kompanya tuwing umuulan dahil hindi na ito nilakihan pa. Dahil sa pag-apaw, napupunta sa lupa ni Crispulo ang mga dumi ng babuyan kaya namatay ang kanyang mga pananim.
Idinemanda ni Crispulo ang MMR upang bayaran siya ng mga danyos sa kanyang tanim. Sabi naman ng MMR hindi sila dapat managot sapagkat ang pag-ulan ay isang pangyayaring hindi sinasadya at gawa ng kalikasan. Wala raw silang magagawa tungkol dito. Sinabi rin ng MMR na dahil mas mababa ang lupa ni Crispulo, obligadong tanggapin nito ang lahat ng tubig na dumadaloy mula sa mas mataas na katabing lupa pati na ang mga bato at putik na kasama nito. Tama ba ang MMR?
Mali. Kahit na ipagpalagay na ang pag-ulan at pagbagyo ay gawa ng Diyos at hindi ng tao, naging pabaya rin ang MMR nang hindi nila dinagdagan ang kapasidad ng kanilang lawa nang lumaki ang kanilang babuyan. Ang kapabayaang ito ang naging pangunahing sanhi ng pinsala sa lupa ni Crispulo. Ang pinsala ay hindi lamang dahil sa kalikasan kundi sa tao na rin, kaya hindi magagamit ng MMR ang katwirang ito. (Roman Enterprises Inc. vs. Court of Appeal et. al., G.R. No. 125018 April 6, 2000)