^

PSN Opinyon

Pangalagaan ang kutis

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Para sa mga kababaihan, malaking katangian ang pagkakaroon ng makinis, mala-sutla at "flawless" na kutis. Gaya ng ibang bahagi ng katawan, dapat na maging malusog ang balat. Ito’y matatamo sa wastong paraan ng skin care ayon sa bantog na dermatologist na si Dr. Grace Carole Palacio Beltran.

Sinabi ni Dr. Beltran na real beauty truly does come from within. Ang kagandahan ay nagmumula sa makinis na balat. Kailangan ng balat ng natural moisture at dapat ding mabuti ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.

Sinabi pa ng dermatologist na ang matinding init ng araw, ang pangungunsumi at labis na pag-iisip at iba pang elemento sa kapaligiran ay sanhi ng pagkakaroon ng magaspang at kulubot na balat.

Ipinaliwanag niya na ang balat ay buhay at may kapasidad na muling mapalitan at magbago tuwing anim na buwan. Ang pagpapalit ng balat ang tinatawag na skin rejuvination. Ang mga napinsalang cells ay mapapalitan ng bago at ito ang dahilan kung bakit nagbabago ang ating balat. Nangangailangan ang balat ng tamang "stimulus" para maging maganda at makinis ang complexion. Ang pag-aapply ng anumang ointment at iba pang lotion at cosmetics ay dapat na isangguni sa isang dermatologist. Maselan ang balat kaya dapat na pangalagaang mabuti at dito’y kakailanganin ang mga eksperto sa larangan ng skin care, pagtatapos ni Dr. Beltran.

vuukle comment

BALAT

DR. BELTRAN

DR. GRACE CAROLE PALACIO BELTRAN

GAYA

IPINALIWANAG

KAILANGAN

MASELAN

NANGANGAILANGAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with