^

PSN Opinyon

Palakpakan natin si Supt. Navarro

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Dapat gawaran ng award ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang hepe ng pulisya ng Muntinlupa City na si Supt. Rolando Navarro dahil sa paglinis niya ng siyudad sa jueteng. Hindi naman kaila sa atin na hayagan na ang jueteng sa 16 pang siyudad at bayan sa Metro Manila, subalit hindi kumikilos ang mga hepe ng pulisya roon para mapatigil ito. Ang ibig bang sabihin nito tumatanggap ng lingguhang intelihensiya buhat sa jueteng itong mga natirang station commanders ng pulisya at si Navarro lamang ang wala? Kaya’t nararapat lamang na bigyan ng award si Navarro, di ba mga suki?

Kaya sa susunod na command conference ng NCRPO, dapat magsitayo ang hepe nila na si Deputy Director Gen. Edgar Galvante, ang kanyang staff at ang 36 pang hepe ng pulisya sa Metro Manila at salubungin ng masigabong palakpakan itong si Navarro. Pak! Pak! Pak! Eh, teka, di ba tunog ng sampal ’yon? Kasi nga, hindi biro ang ginawa ni Navarro na tanggihan ang mga grasya mula sa mga gambling lords tulad nina Bong Pineda at Tony Santos, na gumagamit ng pangalan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa kanilang jueteng operation.

Kung namamayagpag ang negosyo nina Pineda, ang jueteng king ng Central Luzon at si Santos, na nakabase sa Marikina City, sa Pampanga, Rizal, Laguna, Cavite at Las Piñas bakit sumemplang sila sa siyudad ni Mayor Jaime Fresnide? Dapat sigurong kasing laki ng rebulto ng bayaning Jose Rizal ang tropeong igagawad kay Navarro dahil sa pagmamalasakit niya sa Muntinlupa. Para nga ang mga susunod na miyembro ng kanyang pamilya ay maipagmalaki ang kanyang magandang tinuran.

Si Navarro na kaya ang kasagutan sa problema sa jueteng? Ang tiyak ko, hindi nagkamali sa pagpili sa kanya bilang hepe ng pulisya si Mayor Fresnide. Saludo ang pitak na ito sa ’yo Supt. Navarro, Sir.
* * *
VK Watch! — Nagngingitngit sa galit si Insp. Arthur Paras ng pulisya ng Pasay sa kaibigan kong columnist. Kasi nga binira sa kanyang column ng kaibigan ko itong si Paras matapos mahulihan ng tatlong makina ng video karera ang alaga niyang si Jerry San Juan kamakailan. Malulutong na mura ang tinanggap ni Paras mula sa kaibigan ko na kaya naman pala nagalit ay dahil kaaabot pa lamang niya ng lingguhang intelihensiya. Si Paras pala ang dumamay kay columnist nang magkasakit ang Number 2 nito sa Mindanao kamakailan. Pati baryang laman ng bulsa ni Paras ay iniabot niya kay columnist at hindi niya akalain na gagantihan siya nito ng tira na ikinasama ng kanyang pangalan pati ang kanyang pamilya. Dahil dito, naiba ang tingin ni Paras sa kaibigan ko. Bukas ang linya ko sa kagaya ni Paras.

ARTHUR PARAS

BONG PINEDA

CENTRAL LUZON

DAPAT

DEPUTY DIRECTOR GEN

EDGAR GALVANTE

JERRY SAN JUAN

METRO MANILA

NAVARRO

PAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with