Pagpapalakas ng agrikultura para sa GATT
August 6, 2001 | 12:00am
Ilang grupo ang bumatikos kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa kanyang pagkiling sa globalisasyon at liberalisasyon na kinakatawan ng General Agreements on Tariff and Trade (GATT). Subalit ngayon ay nagugulat ang marami dahil pumayag na si GMA na kumbinsihin ang mga Minister of Agriculture mula sa ASEAN nitong Oktubre upang magkaroon ng re-negotiation sa mga obligasyon bilang kasapi sa GATT.
Ang GATT ay isang internasyonal na kasunduan na naglalayong palaganapin ang liberalisasyon at gawing bukas ang bawat bansa sa mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansang kasapi nito. Ang ating pagratipika sa GATT ay nagbunga na ng malaking epekto sa ating mga industriya lalo sa agrikultura. Dahil na rin sa mas makabagong teknolohiya mula sa ibang bansa ay kadalasang mas mura ang mga banyagang produkto kaysa sa mga lokal na produkto. Pagdating naman sa mga produktong agrikultural na lumalabas sa bansa gaya ng mga prutas ay masyadong istrikto ang ginagawang pamantayan upang hindi makapasok ang ating mga ibinebenta sa ibang bansa. Ganito rin ang suliranin ng ating karatig-bansa gaya ng mga ibang kasapi sa ASEAN.
Sa harap ng ganitong kondisyon, batid ng administrasyon ang pangangailangan na palakasin ang ating agrikultura. Ang pahayag ng Presidente sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na pagbukas sa kanyang opisina sa Department of Agriculture ay isang malinaw na indikasyon na desidido na tulungan ang mga magsasaka. Ang paglaan ng pondo para sa imprastruktura at makabagong teknolohiya para sa ating mga magsasaka bilang pangunahing programa ng gobyerno ay isang hakbang lamang sa pagtutok sa pag-unlad ng agrikultura. Maging ang pagtalaga ng pondo para sa irigasyon at post-harvest facilities ay pangunahing kondisyon upang unti-unting makabangon ang mga magsasaka. Ang malakas na agrikultura ang susi sa makabuluhan at kapaki-pakinabang na pakikipagkalakal sa ilalim ng GATT.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest