^

PSN Opinyon

Red diarrhea

- Al G. Pedroche -
Sa tuwing may magpoprotesta laban sa isang pelikula, siyento porsyento na titipak ito sa takilya.

Proven gimmick
pero napakabahong estilo para makapagbenta ng produkto!

Amoy diarrhea
talaga ang gimmick na ginamit upang i-promote ang pelikula ni Assunta de Rossi na Red Diaries.

Nagprotesta kuno ang Philippine National Police laban sa pelikula. Masyado raw itong yumuyurak sa dignidad (kung may nalalabi pa) ng kapulisan.

Pero ewan ko ba at hindi na tayo natuto.

Ang pelikula kung talagang maganda ay hindi na dapat gamitan ng ganyang gimmickry.

Ganyang gimmick ang ginamit sa pelikulang Schindler’s List.

Lubha raw explicit ang love scene. Marami daw frontal nudity at dapat i-ban ang pagtatanghal sa mga lokal na sinehan. Ni-review ng Malacañang ang pelikula at ipinasyang ituloy ang showing nito.

Super box office hit!
Pati ako’y nakisiksikan at tiniis ang amoy pawis at anghit ng mga taong dumumog sa pelikula. Maganda naman ang pelikula at hindi ako nalaswaan. But that’s beside the point. The point is, kailangan pang gawing kontrobersyal ang pelikula sa paraang dumadaya sa intelligence ng tao.

Ginagawang gullible
ang tao o utu-uto. At madalas tayong (myself included) nauuto.

Marami pang ibang pelikulang ginamitan ng ganyang gimmick at tumabo sa takilya. See how some movie producers amass money at the expense of the people’s intelligence.

Nagpagamit ba ang ilang matataas na opisyal ng PNP sa gimmick na ito? Maybe yes, albeit unwittingly.

Posibleng may nagsulsol sa kanila na umalma laban sa pelikula ni Assunta. Posibleng ang mga nagsulsol na ito’y mula sa kampo ng producer ng kontrobersyal na pelikula. Pero we cannot discount the possibility that these officials who went "up in arms" against Red Diaries are friends of the producer.

Hindi tayo ipinanganak kahapon. Hindi tayo dapat maging naive. Alam natin na kapag ginawa nating kontrobersyal ang ano mang bagay, ito’y mas malamang na mabenta.

At naaaliw naman ako. Sa mga interview sa mga involved sa produksyon ng pelikula, as if naiirita sila sa protesta ng PNP. As if hindi nila alam na paborable yon para sa kanila. Ang gagaling talaga nilang umarte o!

vuukle comment

ALAM

AMOY

ASSUNTA

GANYANG

MARAMI

PELIKULA

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POSIBLENG

RED DIARIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with