^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag sanang idamay ang mga miyembro

-
May masamang ibinunga ang "people power" sa Social Security System (SSS) noong nakaraang linggo. Hindi lamang kay dating SSS president Vitaliano Nañagas II kundi sa mga nakararaming miyembro na naapektuhan at napagkaitan ng serbisyo. Malaking pinsala ang naidulot sa mga miyembro dahil hindi sila nabigyan ng kaukulang atensiyon. Hindi lamang mga empleado sa SSS main office ang nagsagawa ng "people power" kundi sa maraming sangay sa buong bansa. Nakatutok sila sa pagpapatalsik sa umano’y hindi marunong magpatakbong si Nañagas. Mayroong hindi nakakuha ng kanilang pension, ng kanilang salary at emergency loan at kung anu-ano pa dahil naparalisa ang operasyon. Ang mga miyembrong bumubuhay sa SSS ang labis na naapektuhan.

Kahit na sabihing nagbayad sa pagkukulang ang SSS dahil nagkaroon ng serbisyo noong Sabado at kahapon, hindi pa rin ito sapat sa nasayang na oras at panahon ng mga miyembro. Marami sa mga miyembro ang nagtiyagang magtungo nang maaga sa SSS main office subalit malaking pagkadismaya ang kanilang naranasan sapagkat hinarang na sila ng mga empleadong nagpi-people power. Walang serbisyong nakamit kundi perhuwisyo lamang sa pagtungo roon. Isang miyembro na nanggaling pa sa Laguna ang nagtungo sa SSS main office para i-follow up ang pension ng namatay na ama subalit walang nag-asikaso sa kanya roon. Maraming kabataan na mag-aapply sana ng kanilang SSS number bilang requirement sa kanilang pagtatrabahuhan ang nagsayang lamang ng oras at pamasahe. Lulugu-lugo silang umuwi.

Nagtagumpay ang mga empleado at ang mga matataas na executives sa kanilang "people power" subalit sana’y naisip din naman nila ang kapakanan ng mga miyembrong nangangailangan ng serbisyo. Ginawa sana nila ang "people power" na hindi naaapektuhan ang maraming miyembro.

Ang ipinakitang "people power" ng mga taga-SSS ay maaaring gayahin pa ngayon ng ibang tanggapan kung may nais silang tanggaling pinuno. Okey lamang ito sapagkat karapatan naman ng bawat isa. Nasa isang bansang malaya na maaaring isigaw ang laman ng isip subalit dapat din namang intindihin kung may naaapektuhan sa gagawing "people power". Gawin sanang parehas at walang napababayaan sa tungkulin sa kapwa.

GAWIN

GINAWA

PEOPLE

POWER

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

VITALIANO NA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with