Isang napakagandang halimbawa ang pagkaka-appoint kay Ching bilang bagong Press Undersecretary for Media Relations ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Bihira ang hindi nakakakilala kay Ching. Palibhasay mabait, bukambibig ang kanyang pangalan lalo na sa sirkulo ng media. Matagal na panahon na ang ipinaglingkod niya sa pamahalaan. Tatlumput siyam na taon na siya sa serbisyo na nagpatibay sa kanyang sarili.
Nagsimula siyang manungkulan noong panahon pa ni President Diosdado Macapagal, ama ni GMA. Marami na siyang Press Secretaries na pinaglingkuran hanggang sa unti-unting umangat ang kanyang puwesto. Unay naging secretary siya ng mga Press Secretaries na si Leo Parungao, Virgilio Reyes at Raul Gonzales mula 1962 hanggang 1966. At mga sumunod pa ay mga sikat na Secretaries na kinabibilangan nina Jose Aspiras, Francisco Tatad, Gregorio Cendaña, Jesus Sison, Hector Villanueva, Rodolfo Reyes, Ricardo Puno at ang ngayoy kasalukuyang Secretary Noel Cabrera.
Sa haba ng panahon ng kanyang paglilingkod sa pamahalaan, marami na siyang natanggap na awards at citations. Patunay lamang ito ng kanyang mahusay at matapat na paglilingkod. Kabilang sa mga natanggap niyang award ang pagiging "Outstanding Woman Employee" ng Office of the Secretary. Siya ay huwarang empleado, mabait, maunawain at parehas sa lahat ng mga bagay.
Binabati ko si Ching sa bago niyang posisyon at hinahangad ko ang marami pa niyang tagumpay sa mga hinaharap.