Marami ang pagkakahawig ng dalawang Presidente. Naluklok si Megawati bilang panlimang Presidente ng Indonesia matapos patalsikin ng national assembly si President Abdurrahman Wahid.
Dahil naman sa People Power 2 kaya napatalsik si dating President Joseph Estrada at naging pang-14 na President si Gloria Macapagal-Arroyo na anak ng yumaong President Diosdado Macapagal. Nanungkulan si Estrada sa loob lamang ng 31 buwan at gaya ni Wahid ay na-impeached din.
Parehong Vice President sina GMA at Megawati at batay sa Konstitusyon sila ay itinalaga bilang kapalit ng kanilang predecessor. Pareho silang anak ng mga Presidente kaya lumaki sila sa mga palasyo at nagkaisip na balang araw ay masusundan nila ang mga yapak ng kanilang mga dakilang ama. Pareho silang 54 anyos. Isinilang noong Abril 5, 1947 si GMA at si Megawati naman ay noong Enero 23, 1947. Tatlo ang mga anak nila dalawang lalaki at isang babae. Pareho silang may malaking nunal sa mukha na ayon sa matatandang mapamahiin ay nagdala ng malaking suwerte sa kanila.