^

PSN Opinyon

Maraming pagkakahawig si GMA at Megawati

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ang bagong Presidente ng Indonesia ay si Megawati Sukarnoputri, anak ni Sukarno na founding president ng nasabing bansa. Siya’y ipinroklama bilang Presidente sa taong ito gaya rin ni President Gloria Macapagal-Arroyo.

Marami ang pagkakahawig ng dalawang Presidente. Naluklok si Megawati bilang panlimang Presidente ng Indonesia matapos patalsikin ng national assembly si President Abdurrahman Wahid.

Dahil naman sa People Power 2 kaya napatalsik si dating President Joseph Estrada at naging pang-14 na President si Gloria Macapagal-Arroyo na anak ng yumaong President Diosdado Macapagal. Nanungkulan si Estrada sa loob lamang ng 31 buwan at gaya ni Wahid ay na-impeached din.

Parehong Vice President sina GMA at Megawati at batay sa Konstitusyon sila ay itinalaga bilang kapalit ng kanilang predecessor. Pareho silang anak ng mga Presidente kaya lumaki sila sa mga palasyo at nagkaisip na balang araw ay masusundan nila ang mga yapak ng kanilang mga dakilang ama. Pareho silang 54 anyos. Isinilang noong Abril 5, 1947 si GMA at si Megawati naman ay noong Enero 23, 1947. Tatlo ang mga anak nila – dalawang lalaki at isang babae. Pareho silang may malaking nunal sa mukha na ayon sa matatandang mapamahiin ay nagdala ng malaking suwerte sa kanila.

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

MEGAWATI

MEGAWATI SUKARNOPUTRI

PAREHO

PAREHONG VICE PRESIDENT

PEOPLE POWER

PRESIDENT

PRESIDENT ABDURRAHMAN WAHID

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with