Nawasak ang kotse ni Gina at nasira ang jeep ni Ben. May mga pasahero ng bus na nasugatan. Dahil nakaseguro ang kotse ni Gina binayaran ito ng insu- rance company. Pagkaraan ay idinemanda ng insurance company ang may-ari ng bus. Sa demanda, idinamay sina Ben at Luis ng wala man lang abiso sa dalawa bago isampa ang kaso. Dahil sa pagkakademanda kina Ben at Luis, napilitang bumiyahe ang dalawa mula Laguna hanggang Makati tuwing may hearing. Hindi na rin nakapagtrabaho si Luis, at si Ben naman ay inatake sa puso.
Pagkaraan ng paglilitis, napatunayan ng Kotse na walang sala sina Ben at Luis sa pinsala sa kotse ni Gina. Kaya inatasan ng Korte na bayaran sila ng insurance company ng danyos moral, danyos huwaran (exemplary) pati na ang gastos nila sa abogado. Tama ba ang mababang hukuman?
Tama. Walang kinalaman sina Luis at Ben sa aksidente. Wala silang magagawa upang iwasang mabangga ng bus. Mahirap isipin kung bakit sila idadamay ng insurance company. Sa totoo nga talagang alam ng insurance company na wala silang kinalaman dahil hindi man lang sila sinulatan nito bago dinemanda. Ang maling demandang ito ang nakaperhuwisyo sa dalawa, dahil sa sakit ng loob, kahihiyan, grabeng pagkabahala at dalamhati sa pag-iisip. Kaya tama lang na bayaran sila ng danyos moral. Tama rin na pagbayarin ang insurance company ng danyos paghuwaran dahil sa ginawa nitong pagdamay sa dalawa ng pawang mga inosente. Dapat ding bayaran ang nagastos nina Luis at Ben sa abogado dahil napilitan silang kumuha nito upang ipagtanggol sila sa walang kabuluhang kaso. (Industrial Insurance Co. Inc. vs. Bond et. al. G.R. No. 136722 April 12, 2000).