Nagsusumbong ang bunso sa ina subalit itoy pinapayuhan. Magparaya ka sa kuya mo. Dapat igalang mo siya. Huwag kang lapastangan.
Dahil sa inis ng bunso ay nagsumbong ito sa lolo. "Inaapi ako Lolo dahil malaki si Kuya."
Subalit pinayuhan din ito ng lolo. Tama ang iyong ina. Kailangang igalang mo ang iyong kuya. Masama ang lumalapastangan dahil pag ikaw din ang magka-edad ay hindi ka rin igagalang ng mga nakakabata sa iyo."
Pero ganoon ba lagi Lolo? Lagi na lang mangingibabaw ang malalaki at api ang mga maliliit?"
Pakinggan mo ang talinghaga ng barko. Ang barko ang hari sa karagatan siya ang pinakamalaki. Lahat ng mga maliliit na sasakyang-dagat ay tumatabi pag dumadaan ang barko. Isang gabi ay nagkaharap ang barko at isang kukuti-kutitap na ilaw.
Pinatabi ng barko ang kukuti-kutitap na ilaw. Sino ka ba? tanong ng malaking barko, baka sagasaan kita. Sagot ng maliit na ilaw, ako ang parola.
Hindi nakaimik ang malaking barko.