^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng barko

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Ang dalawang lalaking magkapatid ay lagi na lang nag-aaway. Lahat ng bagay ay kanilang pinag-aawayan at pinagtatalunan. Mula sa hatian sa pagkain o sa mga gawain sa bahay at bukid. Nauuwi ang pagtatalo sa suntukan. Ang pinakamatanda ang nangingibabaw sa suntukan dahil malaki ito.

Nagsusumbong ang bunso sa ina subalit ito’y pinapayuhan. ‘‘Magparaya ka sa kuya mo. Dapat igalang mo siya. Huwag kang lapastangan.’’

Dahil sa inis ng bunso ay nagsumbong ito sa lolo. "Inaapi ako Lolo dahil malaki si Kuya."

Subalit pinayuhan din ito ng lolo. ‘‘Tama ang iyong ina. Kailangang igalang mo ang iyong kuya. Masama ang lumalapastangan dahil pag ikaw din ang magka-edad ay hindi ka rin igagalang ng mga nakakabata sa iyo."

‘‘Pero ganoon ba lagi Lolo? Lagi na lang mangingibabaw ang malalaki at api ang mga maliliit?"

‘‘Pakinggan mo ang talinghaga ng barko. Ang barko ang hari sa karagatan siya ang pinakamalaki. Lahat ng mga maliliit na sasakyang-dagat ay tumatabi pag dumadaan ang barko. Isang gabi ay nagkaharap ang barko at isang kukuti-kutitap na ilaw.

Pinatabi ng barko ang kukuti-kutitap na ilaw. Sino ka ba? tanong ng malaking barko, baka sagasaan kita. Sagot ng maliit na ilaw, ako ang parola.

Hindi nakaimik ang malaking barko.

BARKO

DAHIL

DAPAT

HUWAG

INAAPI

ISANG

KAILANGANG

KUYA

LAHAT

LOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with