^

PSN Opinyon

Tuloy ang laban

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Hindi ko akalain na mababago ang takbo ng buhay ko mula ng umpisahan ko ang pagbubulgar ukol sa malawakang operasyon ng video karera sa Metro Manila at karatig nitong lugar.

Para akong may sakit na "ketong" na iniiwasan ng mga kaibigang sibilyan at pulis, pati na rin ang mga kasamahan ko sa hanapbuhay dahil sa pangambang pati sila ay mapagsuspetsahang nagbibigay ng impormasyon sa akin.

Pero sa kabila ng pansamantalang kalungkutan, lalo naman tayong ginaganahan bunga ng mga feedback sa labas, lalo na yaong galing sa mga magulang na sumusulat at tumatawag sa akin at isinusumbong kung saan-saan nakatalaga ang mga video karera at ang mga maintainer nito. Natutuwa sila na may isang tulad ko na kapakanan ng mga kabataan at magulang ang inuuna at hindi ang sariling bulsa.

Marami ang nasasaktan sa pagbubulgar ko subalit wala naman tayong magagawa d’yan dahil ginagampanan ko lamang ang iniatang sa aking trabaho. Sinabi ng mga espiya ko na karamihan sa mga ibinubulgar ko sa espasyong ito ay nakumpiska ng ating kapulisan, ang iba naman ay inilipat lamang ng puwesto. Pero darating rin ang panahon na maitatawag uli ito sa akin at maipararating nating muli sa kinauukulan.

Pero ang nangyaring ito sa Pasay City ay magsisilbing leksiyon sa akin na maaring sa tanang buhay ko ay hindi ko makakalimutan.

Noong Sabado ng gabi ay nagpalabas ng kautusan si Mayor Pewee Trinidad na kumpiskahin ang lahat ng video karera sa siyudad. At ipinagbilin pa na dapat na arestuhin si Jerry San Juan, ang pinakamalaking video karera operator sa Pasay City. Ang dahilan, natunugan ng kampo ni Mayor Trinidad ang paglabas ng dalawang araw kong column ukol sa mga pulis at sibilyang operator ng video karera sa kanyang lugar at ang lokasyon ng kani-kanilang mga makina.

Nag-leak ang column ko. Ibig sabihin may "insider" ang kampo ni Mayor Trinidad sa aking paligid. Ayon sa aking espiya, si "Mr. Insider" ay ka-grupo na ngayon ng tabloid columnist na sinasandalan ni San Juan. Si columnist at si "Mr. Insider" at iba pang kasamahan ay nagbabad sa mga beerhouse joints tulad ng Miss Universal sa Libertad St., Pasay City na nagpapalabas ng malalaswa o bold.

Maraming nakumpiskang makina ang mga pulis-Pasay. Subalit, karamihan naman sa mga lugar na binanggit ko sa aking esposé ay malinis na ng dumating ang mga pulis, ayon sa aking espiya. Nagtagumpay si Mayor Trinidad at ang grupo ni "Mr. Insider" kung ano man ang kanilang plano. Ang tanong ko ngayon kay "Mr. Insider", saan ang loyalty mo? Sa kumikinang na barya?

Nagpapogi naman si Mayor Trinidad at ang pulisya ng Pasay City kahapon ng iprisinta nila sa media ang kanilang nakumpiskang makina. Siyempe, ngiting aso sila samantalang ang mga video karera operators ay nagngingitngit sa galit dahil kabibigay lang nila ng kani-kanilang lingguhang intelihensiya. Ngayon sino ang nakinabang sa nangyari? Si Mayor Trinidad ba at ang pulisya o ang grupo ni tabloid columnist at "Mr. Insider" na masasabi nating naisahan ako. Hindi sila mga suki kundi ang mga magulang na walang sawang nagsusumbong sa akin hanggang sa maaksiyunan nga ang problema ng video karera sa kanilang lugar.

Sa mga video karera operators, mag-alaga man kayo ng sampung "ahas" sa tabi ko ay hindi ito makakaapekto sa kampanya ko laban sa mga video karera. Tuloy ang laban!

JERRY SAN JUAN

KARERA

LIBERTAD ST.

MAYOR TRINIDAD

MR. INSIDER

PASAY CITY

PERO

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with