Aliw na aliw siya sa mga tanawin sa Maynila. Gulat na gulat siya sa lawak ng kalsada at dami ng mga sasakyan. Namangha siya sa laki ng mga department store at sa dami ng mabibili sa loob. Ginaw na ginaw siya.
Hangang-hanga siya sa matataas na building na may mga elevator. Nang sumakay siya sa elevator ay parang mahuhugot ang kanyang puso.
Natapos ang kanyang pagbabakasyon sa Maynila. Habang naghihintay ng bus sa station para umuwi sa nayon ay inisip niya ang mga nakita at karanasang ibibida sa mga ka-nayon. Hanggang sa mapansin niya ang isang timbangan na nasa station. Binasa niya ang nakasulat: MAGHULOG NG PISO AT MALALAMAN KUNG SINO."
Tumuntong siya sa timbangan at nagulat siya nang may lumabas na tarheta roon. Binasa niya ang nakasulat: IKAW AY 130 LIBRAS. ISA KANG MAGSASAKA AT PAUWI KA NGAYON SA NAYON."
Hindi siya makapaniwala sa nabasa kaya naisip niyang tumuntong uli sa timbangan. Inisip niyang linlangin ang timbangan kaya isinuot ang kanyang sunglasses at nag-jacket. May lumabas na tarheta. Binasa uli niya ang nakasulat: IKAW DIN ANG MAGSASAKA KANINA. TANGA KA DAHIL SA KATITIMBANG MO AY NAIWAN KA NA NG BUS NA SASAKYAN MO PATUNGO SA NAYON."