^

PSN Opinyon

Baka lumubog ang 'bangkang papel'

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
May ilang beses nang sinabi ni President Gloria Macapagal-Arroyo na siya ay pumapayat dahil sa dami ng gawain at mga problema. Kung sabagay, talaga namang hindi maitatago ang pagbabago ng kanyang pangangatawan at hitsura ng kanyang mukha. Totoo ngang hindi gawang biro ang maging Presidente ng Pilipinas lalo na at gabundok ang mga suliranin.

Lalo sigurong papayat si GMA sa mga darating na araw lalo na ngayon na may akusasyon laban kay First Gentleman Mike Arroyo. Mas naging grabe ang akusasyon sapagkat ang nagpaparatang ay ang kababata at kaklase ni GMA na si Bing Rodrigo, na dating correspondence secretary.

Matindi ang akusasyon ni Bing kay Mike. Diumano, tumanggap daw ito ng P50 milyon sa isang grupo na nagnanais na makakuha ng isang communications franchise na hindi inaprubahan ni GMA.

Ang akusasyong ito ay hindi dapat ipagwalang bahala at kinakailangang maresolba sa lalong madaling panahon. Hindi dapat magkaroon ng alinlangan ang taumbayan sapagkat dito nakasalalay ang reputasyon ni GMA. Kung mapatunayan na tumanggap ng suhol si Mike, maaaring lumubog ang ‘‘bangkang papel’’ ni GMA.

vuukle comment

AKUSASYON

BING RODRIGO

DIUMANO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GMA

MATINDI

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with