'Burles King' na Congressman kakasuhan

Alam n’yo bang nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang isang congressman na binansagang "Burles King".

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Val Victa ng MBC; Claire Francis de Leon, Christopher Ram Cabal, Bro. Ed Layon, Sonny Prejido, Apol Magsino, Meng Miranda at Tony Santos.
* * *
Alam n’yo bang nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang congressman na pinatakbo ng hubo’t hubad sa hallway ng isang five-star hotel sa Makati City kamakailan?

Ayon sa aking bubuwit, meron palang mga video tape at mga retratong kuha kina Congressman at ang chiching niyang newscaster. Gagamitin ang mga naturang retrato bilang ebidensiya laban kay Congressman at sa nagtaksil na misis.

Ayon sa aking bubuwit, mula sa Davao City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport ay sinundan na sina Congressman ng mister na isa palang police officer. Kasama ng pulis ang kapatid nitong NBI agent. Nagtungo sina Congressman at newscaster sa Manila Peninsula Hotel at nakabuntot naman ang police officer.

Nagpanggap na roomboy ang isa sa mga kasama ng police officer at nang inaakalang may romansahan nang nagaganap ay kinatok ang pinto. Nang buksan ang pinto, hubo’t hubad si Congressman at ang misis ng police officer.

Nakahanda naman ang police officer sapagkat may dala silang camera at video at kinunan ang dalawa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, matapos kunan ng litrato ay kinaladkad ng police officer si Congressman palabas ng kuwarto. Nakatakbo si Congressman dala ang kanyang brief pero nasundan pa si Congressman ng police officer at idinaan ito sa lobby ng hotel.

Anyway, dahil sa mga video at retrato ni Congressman at ang chiching niyang TV newscaster, ito ngayon ang gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong concubinage. At bukod sa pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Congressman ay irereklamo pa siya sa House Ethics Committee upang ma-expel bilang miyembro ng House of Representatives.

Kailangan ko pa bang banggitin kung sino sila? Huwag na lang, magtanong na lang kayo sa mga taga-Davao.

Show comments