Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Val Victa ng MBC; Claire Francis de Leon, Christopher Ram Cabal, Bro. Ed Layon, Sonny Prejido, Apol Magsino, Meng Miranda at Tony Santos.
Ayon sa aking bubuwit, meron palang mga video tape at mga retratong kuha kina Congressman at ang chiching niyang newscaster. Gagamitin ang mga naturang retrato bilang ebidensiya laban kay Congressman at sa nagtaksil na misis.
Ayon sa aking bubuwit, mula sa Davao City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport ay sinundan na sina Congressman ng mister na isa palang police officer. Kasama ng pulis ang kapatid nitong NBI agent. Nagtungo sina Congressman at newscaster sa Manila Peninsula Hotel at nakabuntot naman ang police officer.
Nagpanggap na roomboy ang isa sa mga kasama ng police officer at nang inaakalang may romansahan nang nagaganap ay kinatok ang pinto. Nang buksan ang pinto, hubot hubad si Congressman at ang misis ng police officer.
Nakahanda naman ang police officer sapagkat may dala silang camera at video at kinunan ang dalawa.
Anyway, dahil sa mga video at retrato ni Congressman at ang chiching niyang TV newscaster, ito ngayon ang gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong concubinage. At bukod sa pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Congressman ay irereklamo pa siya sa House Ethics Committee upang ma-expel bilang miyembro ng House of Representatives.
Kailangan ko pa bang banggitin kung sino sila? Huwag na lang, magtanong na lang kayo sa mga taga-Davao.