Pagpapahalaga sa pamilyang Pilipino
July 25, 2001 | 12:00am
Ang pamilya ang pinaka-ugat ng isang komunidad at mahalaga ang pamilya sa pagbuo ng sambayanan. Ito ang ipinahayag ni Quezon City Mayor Feliciano Sonny Belmonte Jr. nang siyay maging keynote speaker ng Alay kay Itay 2001 kaugnay ng selebrasyon ng Fathers Day kamakailan. Si Mayor Belmonte ang pinarangalang Ama ng Bayan Award na ipinagkaloob din kina Vice President Teofisto Guingona Jr. at Tourism Secretary Richard Gordon.
Ayon kay Belmonte, importante ang papel na ginagampanan ng isang ama na tinaguriang haligi ng tahanan. Ang ama ay hindi lamang dapat maging good provider manapay dapat siyang maging role model ng kanyang mga anak. Pagmamahal, paggalang at pakikipagtulungan para maayos ang takbo ng pamumuhay ang dapat na mamayani sa isang pamilya.
Dapat na hubugin ng mga magulang ang mga anak nila para maging mabuting mamamayan. Isa pang binigyang-diin ni Belmonte ay ang halaga ng disiplina gaya ng mga dapat na gawin para mapangalagaan ang katiwasayan at ang kalikasan.
Ayon sa kanya malungkot na pangitain ang kahirapan na dahilan kung bakit marami ang hindi nakakapag-aral at marami ang nabubulid sa kasalanan at paggawa ng ibat ibang krimen na batik sa lipunan. Sinabi niya na ang kawalan ng interes sa pangangalaga ng kalikasan at kalinisan ng paligid ay isa pa ring mabigat na problema. Pinahalagahan niya ang pagdarasal na siyang nagbibigkis sa mga kasapi ng isang pamilyang Pilipino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended