^

PSN Opinyon

Halu-halong reaksyon sa SONA

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Halu-Halo ang naging reaksyon sa State of the Nation Address (SONA) ni President Gloria Macapagal-Arroyo. May mga nagsasabi na hindi raw maganda ang dating ng talumpati ni GMA sapagkat walang masyadong laman. Lumalabas tuloy na parang pambobola lamang dahil sa wala namang specifics ang mga tinutukoy niyang programang pagtutuunan ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon.

Mas marami naman ang naniniwala sa mga inihayag ni GMA. Bilib sila na seryosong maipatutupad ni GMA ang lahat ng ipinapangako niyang mga proyekto. Sa katunayan ay inaprubahan na niya at ng kanyang Gabinete ang P780 bilyong budget para sa 2002 na gagamitin para maipatupad ang mga proyektong kanyang ipinangako.

Maraming mga taga-oposisyon ang "bumabaril" sa SONA ni GMA. Puro gimik lang daw ito at ang inihayag na programa nito ay kinopya lamang sa mga proyekto ni dating President Joseph Estrada. Siyempre, ang mga kabig naman ni GMA ay binabandera ang tagumpay ng SONA at ipinagsisigawan na magaganap ang lahat ng ipinangako nito.

Para sa akin, walang masama kung pagbibigyan ang hinihiling ni GMA na bigyan siya ng isang taon upang maiayos niya ang problema ng bansa. May paniwala ako na maisasalba ni GMA ang ating bansa kung ang mga mamamayan ay magkakaisa at susuporta sa kanyang mga layunin. Isantabi muna ang pulitika at pansariling interes.

vuukle comment

BILIB

GABINETE

GMA

HALU-HALO

ISANTABI

LUMALABAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with