^

PSN Opinyon

Calling Banko Sentral

- Al G. Pedroche -
Sa hirap ng buhay, marami tayong kababayang handang subukan ang ano mang gimmick para yumaman.

At ito naman ang sinasamantala ng ilang tusong negosyante.

Hindi na bago sa ating pandinig ang pyramid scheme. Katunayan, noong panahon ni dating Presidente Estrada ay nadawit ang asawa ng isa sa kanyang mga trusted official sa eskandalong ito.

Sa sistemang ito, magbabayad ka ng membership fee at kapag pasok ka na, obligado kang mag-recruit ng ibang miyembro. Mula sa membership fee ng iyong mga mare-recruit, magkaka-komisyon ka.

The more you recruit, the higher your commission will be.
At mula sa mare-recruit ng iyong mga na-recruit, may komisyon ka pa rin..... ad infinitum.

Networking
ang tawag ng iba diyan. Ginagamit din ang sistema sa pagbebenta ng mga kalakal.

Ngunit kapag perahan na ang pag-uusapan at walang ititindang kalakal, diyan na siguro tayo dapat mag-isip-isip, lalo pa’t medyo malaki ang investment na required

Maraming naeengganyo sa iskemang ito. Maganda kasi sa tingin. Pero kung pakakasuriin, may puntong nagigiba ang pyramid. Kapag hindi mo na nabayaran ang komisyon ng mga katakut-takot mong miyembro dahil saturated na ang market at wala ka nang ma-recruit, diyan na mag-uumpisa ang problema.

May tumawag sa akin sa telepono kamakailan. Concerned citizen na ayaw nang ipabanggit ang ngalan. Kung noong araw daw ay piso ang investment, ngayon daw ay dollar na!

Isa raw kaibigan ang nagyaya sa kanya sa fourth floor ng Mega Mall para dumalo sa seminar ng isang pyramid firm na ang pangalan ay Power Home.

Ang membership fee umano ay $236. Sa palitang P53-$1 na lang, nangangahulugan na ito’y tumataginting na P12,508! At sangkatutak daw na mga kababayan natin ang dumadalo sa tuwing magdaraos ng seminar ang kompanyang ito. May permiso kaya ito ng Banko Sentral ng Pilipinas?

What makes the scheme so attractive is that the commission one will get will come in hefty dollars
!

At may katuwirang mabahala ang ating caller. Patuloy na ngang bumabagsak ang halaga ng piso dahil sa pagtatago ng dollar ng ilang tusong negosyante, susulpot pa ang ganitong sistema na ang layuni’y malikom ang dolyares ng ating mga kababayang nagbabakasakaling manganganak ng malaking interes ang kanilang kaunting salapi.

Panawagan lang natin sa ating mga kababayan, huwag karakarakang kakagat sa ganitong mga prospect. Mag-isip munang mabuti at mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

Konsiderahin din natin ang problema ng ating salapi na patuloy na bumabagsak dahil sa problemang pangkabuhayan ng daigdig na pinasasahol pa ng mga lintang nagtatago ng dolyar. Huwag kayong luminya sa mga taong nagpapalubha sa problema. Dahil in the long run, ang buong bansa natin ang kawawa kapag tuluyang nalugmok ang halaga ng ating piso. Tumulad tayo sa Korea.

Bumagsak ang halaga ng kanilang salapi at nagpakita ng great sense of patriotism ang mga Koreano. Ibinigay nila sa pamahalaan ang kanilang mga alahas na ginto upang gawing panggarantiya ng kanilang salapi kaya ngayon, maganda ang estado ng Korean Won.

Mahalin natin ang ating bansa at huwag lamang ang sarili. Let us live in one spirit of community because the Philippines is the nation given us by God. Let’s love it!

ATING

BANKO SENTRAL

BUMAGSAK

DAHIL

GINAGAMIT

KOREAN WON

POWER HOME

PRESIDENTE ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with