^

PSN Opinyon

Ang liham ni Tulfo kay Lacson

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Sa ‘‘open lettter’’ ni Mon Tulfo kay Sen. Panfilo Lacson na lumabas sa Inquirer noong nakaraang linggo, tinukoy ang ilang mga insidente ng krimen kung saan naugnay ang pulisya. Inihayag ni Tulfo ang kaugnayan ni Lacson at PAOCTF sa pagkawala at pagkamatay ng mga biktimang sina Bubby Dacer, Emmanuel Corbito at Edgar Bentain.

Kung totoo man ang mga sinabi ni Tulfo sa kanyang column ukol sa pagkatao ni Lacson, marami palang dapat malaman ang taumbayan, lalo na sa mga nagluklok sa kanya sa Senado noong election.

Tahasang inihayag ni Tulfo ang umano’y katiwalian at karahasan ni Lacson at mga tauhan nito. Kapitan pa lamang umano si Lacson sa Metrocom Intelligence and Security Group (MISG), ay may mga kuwento nang kumakalat patungkol sa kanyang pagkatao bilang marahas at tiwaling pulis. Isa na rito ang pagkakaroon umano ng isang mamahaling relos, na ayon sa mga dating tauhan ni Lacson ay pag-aari ng isang kidnapper na ipina-salvage sa kanyang mga tauhan.

Sa "openletter’’ nagawa ni Tulfo na mabuksan ang lihim na itinatago umano ng dating PNP chief. Ngunit sa kabila ng mga ipinahayag ni Tulfo, ngayong senador na si Lacson, panahon na lamang ang makapagsasabi kung karapat-dapat nga ba ito sa isang tungkuling may malaking pananagutan sa bayan.

Kung totoo man ang mga paratang na nabanggit laban kay Lacson, nananatili ngayon ang hubad na katotohanan: Hustisya para sa mga biktima, at kaparusahan para sa mga salarin! Kayo na ang humusga.

BUBBY DACER

EDGAR BENTAIN

EMMANUEL CORBITO

HUSTISYA

LACSON

METROCOM INTELLIGENCE AND SECURITY GROUP

MON TULFO

PANFILO LACSON

TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with