Sa reklamo napag-alaman na si Rolando ay kamag-anak ni Jasmine dahil siyay bayaw nito. Kayat ayon sa batas, maaaring maparusahan si Rolando ng kamatayan.
Upang patunayan ang relasyon ni Rolando kay Jasmine, si Jasmine mismo ay nagdeklara na si Rolandoy asawa ng kanyang kapatid. Tumestigo rin ang nanay ni Jasmine tungkol dito at sinabing si Rolando ay asawa ng anak niyang babae. Bukod dito may liham si Rolando na iprinisinta rin kung saan sinulatan niya ang mga magulang ni Jasmine at tinawag na mama at papa. Winakasan pa ni Rolando ang nasabing sulat ng mga katagang ang iyong manugang, Rolando."
Ayon sa mababang hukuman, ang mga ebidensiyang itoy sapat na upang patunayan ang relasyon ni Rolando sa biktimang si Jasmine, kayat dapat siyang parusahan ng kamatayan. Tama ba ang mababang hukuman?
Mali. Ang relasyon dahil sa matrimonyo ay ang kaugnayan ng isang asawa sa mga kadugo ng kanyang kabiyak dahil sa pag-iisang dibdib nila. Itinuturing ng batas na ang kamag-anak sa dugo ng isang may asawa ay kamag-anak na rin ng asawa niya dahil siyay pinag-isang dibdib na. Kayat kapag ang rape ay ginawa sa kamag-anak na ito mas mabigat na kamatayan ang parusa.
Dahil nga itoy nakabibigat ng parusa, ang ebidensiya tungkol dito ay dapat matibay at walang kaduda-duda. Hindi sapat ang deklarasyon lamang ng biktima at magulang niya, at ang nasabing sulat na umanoy galing kay Rolando. Dapat may iba pang ebidensiyang mag-aalis ng anumang duda na si Rolando ngay bayaw ni Jasmine tulad ng dokumento ng kasal at mga birth certificate nina Jasmine at ang kapatid nitong asawa umano ni Rolando. Kaya reclusion perpetua lang ang parusa kay Rolando (People of the Philippines vs. Berana G.R. No. 123544 July 29, 1999).