^

PSN Opinyon

Relasyong hindi napatunayan

IKAW ANG BATAS - Jose C. Sison -
Si Jasmine ay 14 anyos nang siya’y gahasain ni Rolando. Nangyari ito mga alas-2 ng umaga habang natutulog si Jasmine sa silid. Nagising at nanlaban si Jasmine pero walang nangyari sa puwersa’t pananakot ni Rolando.

Sa reklamo napag-alaman na si Rolando ay kamag-anak ni Jasmine dahil siya’y bayaw nito. Kaya’t ayon sa batas, maaaring maparusahan si Rolando ng kamatayan.

Upang patunayan ang relasyon ni Rolando kay Jasmine, si Jasmine mismo ay nagdeklara na si Rolando’y asawa ng kanyang kapatid. Tumestigo rin ang nanay ni Jasmine tungkol dito at sinabing si Rolando ay asawa ng anak niyang babae. Bukod dito may liham si Rolando na iprinisinta rin kung saan sinulatan niya ang mga magulang ni Jasmine at tinawag na ‘‘mama at papa.’’ Winakasan pa ni Rolando ang nasabing sulat ng mga katagang ‘‘ang iyong manugang, Rolando."

Ayon sa mababang hukuman, ang mga ebidensiyang ito’y sapat na upang patunayan ang relasyon ni Rolando sa biktimang si Jasmine, kaya’t dapat siyang parusahan ng kamatayan. Tama ba ang mababang hukuman?

Mali.
Ang relasyon dahil sa matrimonyo ay ang kaugnayan ng isang asawa sa mga kadugo ng kanyang kabiyak dahil sa pag-iisang dibdib nila. Itinuturing ng batas na ang kamag-anak sa dugo ng isang may asawa ay kamag-anak na rin ng asawa niya dahil siya’y pinag-isang dibdib na. Kaya’t kapag ang rape ay ginawa sa kamag-anak na ito mas mabigat na kamatayan ang parusa.

Dahil nga ito’y nakabibigat ng parusa, ang ebidensiya tungkol dito ay dapat matibay at walang kaduda-duda. Hindi sapat ang deklarasyon lamang ng biktima at magulang niya, at ang nasabing sulat na umano’y galing kay Rolando. Dapat may iba pang ebidensiyang mag-aalis ng anumang duda na si Rolando nga’y bayaw ni Jasmine tulad ng dokumento ng kasal at mga birth certificate nina Jasmine at ang kapatid nitong asawa umano ni Rolando. Kaya reclusion perpetua lang ang parusa kay Rolando (People of the Philippines vs. Berana G.R. No. 123544 July 29, 1999).

ASAWA

AYON

BERANA G

BUKOD

DAHIL

JASMINE

KAYA

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

ROLANDO

SI JASMINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with