Hindi natin masisisi ang Fil-Ams. Dala na sila sa katutulong sa ating gobyerno at ekonomiya. Bilyun-bilyong dolyar na ang naipadala nilang tulong opisyal at sa mga kaanak. Wala namang nangyayari. Hirap pa rin ang ekonomiya, bulok pa rin ang sistema. Malamang pa ngay ninakaw ang bulto ng tulong opisyal. Yung pinadala naman sa kaanak, nawaldas lang sa walang kapararakang bagay.
Ang tingin sa atin ng Fil-Ams, parang suwail na batang kapatid. Pinagsasabihan na magpakatino nat disiplinahin ang sarili sabay padala ng pera para makapagsimula tayo nang tama. Pero wala silang nakikitang pagbabago sa atin. Hinahalal pa rin nating pinuno, mga kilalang kawatan, drug lords at kamag-anak nito. Siyempre, nagsasawa rin ang mga kuya at ateng Fil-Ams sa ating gawi. E may paggagastusan din naman silang mga anak. Kaya para magtanda tayo, pinuputol na nila ang tulong pinansiyal. Tinitiis ang patuloy nating paghingi ng abuloy. Hinahayaan na tayong tumindig sa sariling binti. Kung madapa man tayo, kasalanan natin.
At dapat lang naman. Kasi, inabuso na natin ang tulong nina kuya at ate sa Tate. Dahil diyan, halos isumpa na tayo.
Leksiyon sa atin ito: Matauhan na tayo.