^

PSN Opinyon

Huwag nang umasa sa tulong ng Fil-Ams

SAPOL - Jarius Bondoc -
Balisang nag-e-mail mula Texas ang kaibigan kong si Tibo. Nabibigla raw siya sa mg binibigkas ng mga kapwa-Pinoy sa Tate. Tinanggihan daw ng umbrella organization ng Fil-Ams sa Houston na makiharap kay dating Presidente FVR sa darating na pagbisita nito. E in-assure naman daw sila ng mga tauhan ni FVR na wala silang gagastusin, di tulad ng pagbisita ng ibang opisyal ng RP. Dagdag pa ni Tibo na tila sawa na ang Fil-Ams makarinig ng saklolo mula sa Pinas. Ngayon lang daw niya ito nakita sa 18 taong pagtira sa Amerika. Dahil daw ito sa resulta ng nakaraang election sa Pinas, at ng tila’y magaan na pagtrato kay dating President Joseph Estrada. "Bahala na sila sa buhay nila," ang madalas daw marinig ni Tibo na sagot sa kanya ng kapwa Fil-Am.

Hindi natin masisisi ang Fil-Ams. Dala na sila sa katutulong sa ating gobyerno at ekonomiya. Bilyun-bilyong dolyar na ang naipadala nilang tulong opisyal at sa mga kaanak. Wala namang nangyayari. Hirap pa rin ang ekonomiya, bulok pa rin ang sistema. Malamang pa nga’y ninakaw ang bulto ng tulong opisyal. ’Yung pinadala naman sa kaanak, nawaldas lang sa walang kapararakang bagay.

Ang tingin sa atin ng Fil-Ams, parang suwail na batang kapatid. Pinagsasabihan na magpakatino na’t disiplinahin ang sarili — sabay padala ng pera para makapagsimula tayo nang tama. Pero wala silang nakikitang pagbabago sa atin. Hinahalal pa rin nating pinuno, mga kilalang kawatan, drug lords at kamag-anak nito. Siyempre, nagsasawa rin ang mga kuya at ateng Fil-Ams sa ating gawi. E may paggagastusan din naman silang mga anak. Kaya para magtanda tayo, pinuputol na nila ang tulong pinansiyal. Tinitiis ang patuloy nating paghingi ng abuloy. Hinahayaan na tayong tumindig sa sariling binti. Kung madapa man tayo, kasalanan natin.

At dapat lang naman. Kasi, inabuso na natin ang tulong nina kuya at ate sa Tate. Dahil diyan, halos isumpa na tayo.

Leksiyon sa atin ito: Matauhan na tayo.
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

AMERIKA

BAHALA

BALISANG

BILYUN

DAHIL

FIL-AMS

PILIPINO STAR

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

TIBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with