Sumulat sa akin si Lacuna at kinokondena niya ang patuloy at hayagang operasyon ng pasugalan sa Maynila. At pinangalanan niya ang isang SPO4 Rene de Jesus na umanoy direktang nangangasiwa ng tong collection sa mga gambling lords sa siyudad. Sinabi naman ng aking espiya na si De Jesus ang kolektor ng City Hall detachment, ng Western Police District (WPD) headquarters, ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at ng lokal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Magaling talaga sa bidding itong si Boss Rene, di ba mga suki?
Pinangalanan ni Lacuna ang mga gambling lords na nag-ooperate sa Manila na sina Milo S. ng Blumentritt; Joe M. at Tom S. ng Pandacan; Makay ng Tondo; Penny D.; Apeng Sy; Cesar Quiapo; Buboy Go; Romy G; Anthony S.; Boy R.; Sacho; Totoy Laway ng San Andres; Rey R.; Mila ng Herbosa-Capulong sa Tondo; Edith F.; at tatlong opisyal ng pulisya.
Siyempre, hindi makapag-ooperate itong mga gambling lords kung walang kasapakat na mga kabo tulad nina Senyong ng Herbosa at F. Varona; Ric Patay ng Corcuera at Franco Sts.; Rogie ng Dandan at Varona Sts.; Bogart ng Francisco St.; Rodel ng Esguerra, Velasquez at Yangco Sts.; Choy ng Esguerra at Yangco Sts., Chairman Danny R.; Val M. ng Gerona St.; Emy ng Pavia at Franco Sts.; Lando S. ng Maharlika condominium; Boy N. ng Zigbu St., at Berting Kalbo ng Balut sa sakop ng Station 1. Sina Boy D., ng Saragoza; chairman Jesus Taga ng Del Pan; Arsing ng Recto; Jayjay ng Wagas; Dadong at Eddie ng Asuncion; Romy G. at Peng D., at Sally ng Wagas; Ronnie at CID ng Asuncion at isang Atty. Meneses ng Station 2. Sina Roger A. naman sa Station 5, Medy ng Solis at Ogie ng Hermosa ng Station 7 at sina Lt. Rene V.; ng Sevilla at Barcelona, JR at Boy Ponga ng Del Pan sa Station 11.