Isa sa mga naging biktima ay ang network employee na si Arlene Lazaro na natangay ang kanyang bagong Honda Civic. Si Ronniel de Guzman ng Bulletin ay nabiktima rin. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan malapit sa main entrance ng nasabing network.
Ang writer naman ng Batibot na si Rene Villanueva at ilang kasamahan ay tumatakbo sa Balete Drive nang silay tambangan at pagbabarilin ng carnap gang na nauna nang nanghold-up ng isang gas station. Kritikal ang tama ni Villanueva sa mukha samantalang tinamaan sa tiyan ang kanyang driver. Biktima rin ng carnapping ang sexy actress na si Angela Velez. Natangay ang kanyang van.
Marami ang bukas-kotse gang na nambibiktima sa mga kumakain sa mga restaurant at bar sa Quezon City. Isang business executive ang winarat ang kotse at ninakawan ng mahahalagang gamit habang silay nagdi-dinner na mag-anak sa isang mataong restaurant sa Tomas Morato.
Dumarami rin ang bukas kotse gang sa Libis. Isang commercial model na lalaki na nag-park ng kanyang kotse malapit sa police precinct at pagkatapos ay nakipag-goodtime sa mga kasamahan niya sa isang disco bar. Nang lumabas siya ay nakita niyang flat na ang gulong ng kanyang kotse at ninakaw ang mga gamit sa loob.
Alam na ng pulis QC ang mga katiwaliang ito pero patuloy pa rin ang operasyon ng mga carnappers at mga magnanakaw. Dapat kumilos ang mga pulis QC para huwag isipin na karamihan sa kanila ay natutulog sa pansitan."