EDITORYAL - Halukayin ang mga isinawalat ni 'Ador'
July 18, 2001 | 12:00am
Kailangang malaman ng taumbayan kung may katotohanan ang mga isiniwalat ni Angelo Manaway alyas "Ador". Mahigit nang dalawang linggo ang nakararaan mula nang lumantad si Ador at isiwalat ang malalaking krimen tulad ng pagpatay, pagnanakaw sa mga banko, drug trafficking at kidnapping na ang mga kasangkot ay mga opisyal ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).
Si Ador na dating civilian agent ng PAOCTF ay direktang itinuro si Sen. Panfilo Lacson na utak ng pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito. Itinuro rin ito ni Ador na may kinalaman sa pagpatay sa hotel employee na si Edgar Bentain. Si Lacson din umano ang nag-utos sa kanya para mag-deliver ng 15 kilo ng shabu sa isang lugar sa Greenhills. Itinanggi naman ni Lacson ang mga sinabi ni Ador. Sinabi ni Lacson na bigtime swindler si Ador. Maraming isinangkot si Ador at maski ang kapatid ni Interior Secretary Joey Lina ay binanggit nito na "dinalhan" din niya ng shabu. Tinawag ni Lina si Ador na sira ang ulo.
Mabibigat ang mga akusasyon ni Ador na dalawang linggo na ngang nagbibigay ng pagkalito sa taumbayan. Ano ba talaga ang totoo? Ano ang kanyang motibo? Sa lahat ng ibinulgar ni Ador, ang pinakamabigat ay ang akusasyon sa mga opisyal ng PAOCTF na sangkot sa malalaking krimen tulad ng pagpatay. Ang paraan ng pagpatay kay Bentain ayon sa paglalarawan ni Ador ay malupit sapagkat parang sa pelikula lamang nangyayari. Pero totoo. Isinilid sa drum at saka binuhusan ng semento. Tinakpan at saka inilibing sa lahar sa Pampanga.
Ang pagpatay kina Dacer at Corbito na ang mga PAOCTF din ang itinuturo ni Ador ay malaking palaisipan din na hanggang ngayon ay nagpapalito sa taumbayan. Bago pa ang paglantad ni Ador, maraming miyembro na ng PAOCTF ang inaresto at sinampahan ng kaso. Malagim ang ginawang pagpatay kina Dacer na matapos kidnapin ay pinatay at saka sinunog ang mga katawan.
Marami ang nag-aabang sa katotohanan ng mga isiniwalat ni Ador. May katotohanan man o wala ang kanyang mga sinabi ay nararapat gumalaw ang mga awtoridad upang mangalap ng ebidensiyang magpapatunay sa kanyang mga isiniwalat lalo na nga ang tungkol sa mga pagpatay. Kailangang gumawa nang malalim at seryosong pag-iimbestiga ang mga awtoridad partikular ang National Bureau of Investigation (NBI). Kasuhan ang dapat kasuhan sa oras na mapatunayang kasangkot sa mga isiniwalat ni Ador. Pagbayarin ang mga "uhaw sa dugo" na pumatay sa kanilang kapwa na walang kalaban-laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended