^

PSN Opinyon

Pinahihina ba ang kaso vs Erap?

- Al G. Pedroche -
Sa tingin ko tila may sympathizer ang pamilya ni ex-president Estrada sa Ombudsman.

Gumagamit ng reversed psychology para maka-akit ng simpatiya ng taumbayan para sa mga Estrada.

Nasabi ko ito dahil sa umano’y pahayag ni deputy ombudsman Margarito Gervacio na hindi pa nakalulusot sa kaso ng katiwalian si Senadora Loi Estrada, asawa ng dating Presidente. Na ano mang sandali’y bababa na ang warrant of arrest para dakpin at ikulong ang dating unang ginang. Laman ito ng lahat ng diyaryo na ibinalita rin sa mga himpilan ng radyo at telebisyon.

Pero teka, biglang pinabulaanan ni Gervacio ang statement na ito na attributed sa kanya. Hindi raw niya alam kung saan nagmula ang balitang aarestuhin na si Mrs. Estrada. Tsk, tsk.

Iyan ang hirap. Laging media ang buntunan ng sisi. Kapag ang isang statement ay umani ng pagbatikos, biglang aatras ang nagsabi.

Siguro kung isa o dalawang diyaryo lang ang nagsabi, baka nga misquoted si Gervacio tulad ng kanyang claim. O baka ito’y isang disinformation campaign ng sino man. Pero ang balita ay lumabas sa lahat ng pahayagan, radyo at telebisyon!

Idinadawit ang Senadora at dating first lady sa ibinulgar ni Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na anomalya sa P130 milyong tobacco excise tax. Totoo man o hindi ang denial ni Gervacio, analisahin natin ang kaso.

Nang pasabugin ni Chavit ang kanyang bombshell, sinabi niya na kasama niyang nagdeliver ng halagang P130 milyon sa tahanan ng mga Estrada sa Polk Street sa San Juan si Charlie "Atong" Ang. Pinabayaan daw niya si Atong na magdala ng salapi habang si Chavit ay naghintay lang sa isang lugar.

Ayon sa testimonya ni Chavit sa impeachment court, ikinuwento sa kanya ni Atong na P30 milyon ang ibinigay niya kay Jinggoy, P20 milyon kay Loi at ang natitirang P80 milyon ay sa dating Presidente. Ngunit ito’y hindi napatunayan.

Katunayan, nang isalang si Atong sa pagdinig ng Senado, ito’y kanyang mariing pinasisinungalingan. Walang napigang corroboration ang Senado para patibayan ang pahayag ni Chavit.

Kaya nagtataka ako ngayon kung paanong na-prosecute si Sen. Estrada gayong walang ebidensya laban sa kanya. Maaari na bang usigin ang isang tao base lamang sa hearsay?

Sa mga kaso laban sa dating Presidente, naniniwala akong may matitibay na ebidensya. Pero sa tingin ko’y trying hard ang pagdadawit pati sa bagong halal na Senadora.

Kaya parang lumilitaw na hina-harrass ng pamahalaan ang pamilyang Estrada. Masama ang epekto nito. Gobyerno ang lumalabas na kontrabida.

Nang kapanayamin sa telebisyon si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada, sinabi niya na sa nangyayari ngayon, hindi malayong pati ang kanyang Lola ay isabit sa kaso.

Kaya nagtatanong ako. Sinasadya kaya ang mga kapalpakang ito sa panig ng taga-usig para manghina ang kaso laban sa dating Presidente? Huwag naman sana.

ATONG

CHAVIT

DATING

ESTRADA

GERVACIO

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS CHAVIT SINGSON

KAYA

MARGARITO GERVACIO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with