Biktima ng rabies; Cellphone snatching
July 13, 2001 | 12:00am
Hindi na mapigilan ang pagtaas ng bilang ng biktima ng rabies sa bansa. Kamakailan lamang, iniulat na ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng biktima ng rabies sa buong Asia. Sa mga pampublikong ospital, dumarami ang mga pasyente sa kanilang mga isolation rooms dahil sa mga naghihingalong biktima ng mga kagat ng aso. Ang pinakalubhang epekto nito ay ang pagkalat ng rabies sa utak ng tao na maaaring ikamatay o ikabaliw nito.
Noong ako ay nasa Kongreso pa, mariin kong isinulong ang pagkakaroon ng pambansang program laban sa rabies, ngunit dahil sa dami ng nakasalang na prayoridad ng panukalang batas ng dating pamahalaan, nabinbin ito sa Senado.
Kayat tinatawagan ko ng pansin ang Kongreso na ihain itong muli at bigyan ng prayoridad. Dumarami ang bilang ng biktima ng rabies at ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan ang nakasalalay dito.
Patuloy ang insidente ng pang-aagaw at pangho-holdap ng cellphones. Ang nakalulungkot hindi na nga lumalaban ang may-ari ng cellphone, pinapatay pa. Naglipana rin naman ang nagbebenta ng cellphone sa mga bangketa.
Sa sitwasyong ito, kailangang patibayin ang Anti-Fen cing Act o pagpaparusa sa mga nagbebenta at gumagamit ng cellphone kahit na alam nilang ito ay nakaw. Marami na ang isinuplong sa pulisya ng mga ganitong problema. Ngunit kailangan pa rin ng masugid at alerto na pagbabantay ng mga pulis sa mga kalsada, sakayan at pati na ang mga shopping malls. Gawin sana ang responsibilidad na pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan.
Noong ako ay nasa Kongreso pa, mariin kong isinulong ang pagkakaroon ng pambansang program laban sa rabies, ngunit dahil sa dami ng nakasalang na prayoridad ng panukalang batas ng dating pamahalaan, nabinbin ito sa Senado.
Kayat tinatawagan ko ng pansin ang Kongreso na ihain itong muli at bigyan ng prayoridad. Dumarami ang bilang ng biktima ng rabies at ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan ang nakasalalay dito.
Sa sitwasyong ito, kailangang patibayin ang Anti-Fen cing Act o pagpaparusa sa mga nagbebenta at gumagamit ng cellphone kahit na alam nilang ito ay nakaw. Marami na ang isinuplong sa pulisya ng mga ganitong problema. Ngunit kailangan pa rin ng masugid at alerto na pagbabantay ng mga pulis sa mga kalsada, sakayan at pati na ang mga shopping malls. Gawin sana ang responsibilidad na pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended