TV ads na hindi dapat ipalabas
July 13, 2001 | 12:00am
Malaki ang impluwensiya ng telebisyon sa larangan ng pamamahayag at paglalarawan ng kultura ng bayan.
Kapuna-puna na naglipana ang mga tinaguriang offensive TV commercials at itoy dapat na maagang aksyunan ng Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) at ng Advertising Board of the Philippines. Maraming komersyal sa TV na hindi matanggap, nakasusuka at nakaiinsulto ang presentation. Marami ang yumuyurak sa dangal ng Pilipino at itoy hindi dapat na mapanood lalo na ng mga kabataan na madaling makapick-up ng ads.
Naobserbahan ko na may mga batang maliliit na kumakanta ng komersyal na maririnig at mapapanood sa TV kaya dahil sa madali silang matuto kung kaya dapat na maging maingat, malinis at walang bahid malisya ang dapat na ipaabot sa kanilang kaalaman.
Isang TV commercial na hindi matanggap ng mga kababaihan ay iyong naglalarawan ng isang babaing may magandang kasuutan na bumaba ng bus at tumakbo sa palayan at naupo dahil sa tawag ng kalikasan. At habang dyumidyingel ang babae ay sinasabayan naman ng commercial jingle na sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil.
Ayon sa isang kaibigan, ang komersyal ay parang naghahalintulad sa babae sa isang hayop na salat sa kabutihang-asal at binababoy sa naturang advertisement.
Isa pang komersyal na dapat i-ban ay ang pag-eendorso ng produktong shampoo na nagpapakita ng mainit na pagroromansa ng isang babae at isang lalaki. Marami pang TV commercials na talagang hindi dapat na ipalabas sa mga TV channels kaya dapat na gumawa ng hakbang ang KBP at Ad Board.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest