Ang talinghaga ng daga
July 12, 2001 | 12:00am
Ang daga ay nasa kanyang lungga at malungkot na malungkot. Isang buwan na ang nakararaan nang pinaaalis niya ang kalabaw sa kural sa likod ng kubo ng magsasaka subalit bigo siya dahil naroon pa rin ang kalabaw sa dating lugar.
"Palpak ang aking buhay," buntong-hininga ng daga sa sarili. "Hindi ko naisagawa ang pakay ko sa mundong ito. At mukhang wala na akong magagawa para mapaalis si Kalabaw. Wala nang kabuluhan para ako ay mabuhay pa."
Subalit pinayuhan siya ng matandang daga. "Huwag mong masyadong didibdibin. Tingnan mo sa mas malawak na paningin bago ka magpasya ng masama."
"Ano ang ibig nyong sabihin?"
"Una ay masdan mo ang laki ng kalabaw at ang kaliitan mo. Kalingkingan ka lang kung ikukumpara."
"Totoo po iyon, pero palpak pa rin ako sa gusto kong mangyari."
"Mayroon akong itatanong sa iyo. Totoong hindi umalis ang kalabaw mula sa kural. Pero hindi ba siya gumalaw?"
"Gumalaw naman po."
"Tingnan mo, sa liit mong iyon at sa laki niya ay napagalaw mo. Malaking tagumpay iyon. Kung sa tamang direksyon ang galaw, mayroong nakitang tagumpay."
"Maganda na ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ninyo. Kung napagalaw ko at sa tamang direksyon, maaari bang magsayaw kami ni Kalabaw?"
"Oy, huwag kang managinip. Napagalaw mo na nga ang kalabaw sa tamang direksyon pero huwag ka nang magnasa ng napakataas. Huwag kang mangarap ng buwan kung ang kaya mo lang ay ang ituktok ng puno."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest