Bin Laden-Sayyaf connection
July 9, 2001 | 12:00am
Halos araw-araw,may report ang militar hinggil sa mga napapatay o nahuhuling miyembro ng Abu Sayyaf.
Pero araw-araw rin, may mga balita tungkol sa paghahasik ng lagim ng bandidong grupong ito.
Bakit nga ba napakalakas ng grupong ito na nagagawa pang mangidnap ng mga turista sa ibang bansa upang dalhin sa kanilang balwarte sa Basilan?
At nitong nakaraang linggo, may intelligence report ang militar na nalathala sa pahayagan na balak umano ng mga bandidong teroristang ito na pasabugin ang palasyo ng Malacañang pati na ang embahada ng Estados Unidos sa Maynila.
Ayon pa sa report, ang paghahasik ng terorismong ito’y suportado ng kilalang international terrorist na si Osama Bin Laden.
At kung nagawa ni Bin Laden na maghasik ng mga kagimbal-gimbal na terorismo sa Amerika na isa nang napakalakas na bansa kung seguridad ang pag-uusapan, ano pa kaya ang kakayahan ng Pilipinas para labanan ang bantang ito?
Si Bin Laden umano ang nagtutustos sa mga programa ng Abu Sayyaf, pati na ang kanilang training para maging bihasang terorista sa Afghanistan.
Si Bin Laden ay isang bilyonaryong Arabo mula sa Saudi Arabia. Siya’y nasa wanted list ng United States dahil sa pagpapasabog sa Trade Center sa New York ilang taon na ang nakalilipas.
Malawak ang kanyang network sa buong daigdig. Hindi siya ang kumikilos pero siya ang utak ng mga karahasang ito na kung ano ang layuni’y hindi natin alam.
Itinatanggi ng mga ideological Muslim groups sa bansa tulad ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front ang ano mang kaugnayan sa Abu Sayyaf. Ngunit kung susuriin natin, iisa ang kanilang agenda: Ang magtayo ng kahiwalay na republika sa Mindanao.
Kahit sinasabing walang ideyolohiyang ipinaglalaban ang Abu Sayyaf, may mga pagkakataong narinig natin sa bibig ng kanilang mga leader ang nasang maihiwalay ang Mindanao.
Kaya malakas ang posibilidad na ang Abu Sayyaf ay terrorist arm ng sino mang grupong may agendang magtayo hiwalay na republika sa Mindanao. Na ang layuni’y i-harrass ang pamahalaan upang tuluyang isuko ang Mindanao sa mga nagpupumilit ihiwalay ito sa Pilipinas.
Kung sa tingin nati’y walang kawawaan ang ginagawang panliligalig ng Abu Sayyaf, ito’y isang akto ng kadakilaan para sa kanila na may buktot na layunin. At ang layuning ito’y hindi katakatakang susuportahan at pagkakagastusan ng mga dayuhang bansang may makasarili ring interes sa Pilipinas at sa likas na yaman ng ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended