^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ituloy ang 'paglilinis' sa BIR

-
Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay isa sa mga "pinakamaruming" ahensiya ng pamahalaan. Narito ang mga corrupt na opisyal at empleado. Pumapantay ang BIR sa mga kurakot ding opisyal at empleado sa Bureau of Customs at Department of Public Works and Highways. Tahanan ng mga buwayang mahahaba ang pangil na walang kabusugan.

Pero may isang balita ngayon sa BIR – may nagtatangka nang maglinis dito. May nag-uumpisa nang pumutol sa pangil ng mga walang kabusugang buwaya. Kung gayo’y nakahihigit ang BIR kaysa sa Customs at DPWH na wala namang kabalak-balak maglinis.

Nagsimula na ang kampanya ni BIR Commissioner Rene Bañez na walisin ang mga kawatan sa kanyang bakuran. Marahil, dumating na sa sukdulan ang pagtitimpi ni Bañez na ang BIR ang pinagtutuunan ng pansin kung karumihan din lamang ang pag-uusapan. Matagal nang binabatikos ang karumihan dito subalit walang pinunong magkalakas ng loob na durugin ang corruption.

Humataw si Bañez. Malawakang revamp ang ipinag-utos. Unang tinamaan ang mga revenue district officers. Umalma agad ang mga ito. Nagpakita ng kasutilan. Sinampahan si Bañez ng kaso. Sa ganitong senaryo ay makikitang talamak ang corruption sapagkat ayaw sundin ng mga revenue officials ang utos ni Bañez. Bakit? Maaalis sila sa lugar na maraming nakukurakot. Maaalis sila sa kusina na madaling nakakukuha nang malalamon. Kinasuhan nila si Bañez ng graft and plunder. Walang ipinagkaiba sa kasong isinampa kay da-ting President Estrada. Nakapagtatakang bakit ngayon lamang isinampa ang kaso kay Bañez.

Kahit na maraming batikos ang pinaulan kay Bañez, nagpatuloy pa rin ito sa nasimulang pagdurog at pagwalis sa mga tiwali. Kinatigan na siya ng Supreme Court sa malawakang revamp na kanyang ipinatutupad.

At ngayo’y nagkakaroon pa ng tinik ang landas ni Bañez sa paglilinis ng kanyang bakuran. Marami ang nagtatangka sa kanyang buhay. Mismong si President Gloria Macapagal-Arroyo ay natigatig sa mga pagbabanta kay Bañez dahil sa kampanya nito sa mga kawatan sa BIR. Inatasan na nito ang pagdaragdag sa security ni Bañez.

Matagal nang inaasam ng taumbayan ang isang malinis na pamahalaan na ang lahat ng ahensiya ay walang mga kawatan. Umaasam na walang lagayan at walang magbubulsa sa perang dapat ay mapunta sa kaban ng bansa. Ituloy ang paglilinis lalo na sa BIR. Nararapat na makilahok ang mga hindi corrupt sa BIR at isuplong ang mga gumagawa ng katiwalian. Suportahan ang paglilinis ni Bañez.

ANG BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BIR

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RENE BA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAAALIS

MATAGAL

NTILDE

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with